^

PSN Showbiz

Piolo namimili sa offer ng GMA 7 at TV5?

-

MANILA, Philippines - Parang hindi naman kapani-paniwala na lalayasan ni Piolo Pascual ang ABS-CBN para lumipat either sa GMA 7 or TV5.

Consistent ang issue na namimili na raw ang aktor kung aling offer ang kakagatin dahil hindi na raw ito maligaya sa career sa Kapamilya.

Abangan

Anyway, bilang artista, malayo na ang narating ni Piolo. Bukod sa pag-arte, tumatayo siyang creative consultant ng pinagbibidahang Noah, binubuo na ang susunod na yugto ng Kimmy Dora, at tinatapos ang bagong album na pinamagatang Decades 2.

Pero bukod sa kanyang pagiging aktor, nag­ni­ning­ning naman ang galing ni Piolo bilang photogra­pher. Sa katunayan, ang kanyang mga litrato ay na­ilibot na sa iba’t ibang art gallery ng lungsod.

Sa tulong ng Sun Life Financial Philippines (SLFP), inilantad niya sa buong mundo ang kanyang unang photo collection sa pamamagitan ng SunPIOLOgy 2010, isang kalendaryong naglalaman ng mga kuhang litratro ni Piolo mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dahil sa nakabibighaning mga larawang tampok sa SunPIOLOgy, ito ay nakalikom ng pondo para sa mga iskolar ng Hebreo 12: 1 Foundation mula sa benta nito. Ang Hebreo ay itinatag ng pamilya Pascual upang tustusan ang edukasyon ng mga batang may angking talino ngunit kapos sa pera.

Ngayong 2011, muling maghahandog si Piolo at Sun Life ng SunPIO­LOgy 2011: Pursuits Journal. Kaakibat ang layunin ng Hebreo Foundation, ang koleksiyon ng mga litratro ay magpupugay sa ganda ng kalikasan: hangin, apoy, lupa, at tubig. Hinihikayat din nito ang bawat Pilipino na bantayan at alagaan ang ating mga likas na yaman.

“Sinusuportahan ng Sun Life ang kahalagahan ng edukasyon tungo sa ikauunlad ng bawat Pilipino. Sabay ng pagbubuo ng Sun Life Centre, ang kauna-una­hang green commercial building sa bansa, nais namin tumulong sa panga­ngalaga ng ating kapaligiran,” ayon kay SLFP president at CEO Riza Mantaring.

“Karangalan ang makatulong sa ating kapwa Pilipino. Ngayong Pasko, ga­win po nating aginaldo sa mga bata, pamilya, at mga kaibigan ang isang ma­ningning at maunlad na bukas. Suportahan po natin ang SunPIOLOgy 2011: Pur­suits Journal,” imbita ni Piolo.

Mabibili ang Pursuits Journal sa lahat ng Fully Booked Stores and Sun Life customer centers. Katuwang din ng SunPIOLOgy 2011 ang Philippine Star, ABS-CBN 360 CCPMG, Eastwood Malls, Filipinas Heritage Library, Fully Booked Stores, Outcomm, The Enterprise Centre, MC, at Sun Life Foundation.

ANG HEBREO

EASTWOOD MALLS

ENTERPRISE CENTRE

FILIPINAS HERITAGE LIBRARY

PILIPINO

PIOLO

PURSUITS JOURNAL

SHY

SUN LIFE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with