^

PSN Showbiz

AiAi at Eugene, magpo-prodyus ng pelikula!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

MANILA, Philippines - Parehong umaasa ang mag-bestfriend na sina AiAi delas Alas at Eugene Domingo na mananalo ng award para sa pelikula nilang Ang Tanging Ina Mo, Last Na ‘To na entry sa Metro Manila Film Fes­tival.

Bukod sa trophy, nag-iipon din ang magkaibigan ng malaking pera para makapag-prodyus ng pelikula na sila rin ang bida.

Samantala, sinabi ni AiAi na walang pressure dahil tiyak siyang kikita ito sa takilya.

‘‘Basta’t kagustuhan ng nasa Itaas hindi ka Niya pababayaan. Bumabagyo nang ipalabas ang Ta­nging Ina noon, signal #3, pero tumiba ito sa takilya. Naging blockbuster,’’ pag-alala niya.

Ikaapat na sequel na ang Tanging Ina Mo, Last na To at kung magkakaroon ng follow-up due to insistent public demand ay tatawagin itong Ang Tanging Ina Mo, Last na Last na Talaga ’To.

***

 Kahit sosyalera si Solenn Heussaff ay gusto niyang mapalapit sa puso ng masa.

Anong paghahanda ang ginagawa ng magandang baguhang aktres sa pagpasok sa showbiz?

‘‘Kailangang matuto akong magsa­lita ng Tagalog kaya nagbabasa ako ng Tagalog magasin at komiks. Kailangan din akong mag-undergo ng acting workshop,’’ sey ni Solenn.

Nakalinya na ang tatlong pe­­li­kulang gagawin nito sa Re­gal Entertainment kaya ex­c­i­ted na siya. May Valentine project sila ni Richard Gutierrez.

vuukle comment

ANG TANGING INA MO

ANONG

EUGENE DOMINGO

LAST NA

MAY VALENTINE

METRO MANILA FILM FES

RICHARD GUTIERREZ

SHY

SOLENN HEUSSAFF

TANGING INA MO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with