Para maalagaan, Yayo babalikan na si William
Baka sa pagkakasakit ni William Martinez na ngayon ay nagsisimula na ang therapy ay magkabalikan sila ng kanyang asawang si Yayo Aguila.
Naghiwalay lang naman sila at hindi pa nakikipag-partner sa iba. Kaya walang magiging hadlang kung magpasya man si Yayo na alagaan si William. Even their children are ecstatic dahil their father’s illness brought them all together again.
Wala namang third party sa naging paghihiwalay ng dalawa. Baka naman gusto lang nila ng space.
* * *
Akalain mong magawa kong pasigawin ng sabay-sabay ang buong cast ng Ang Tanging Ina Mo Last na ‘To ng Walang Tulugan sa kanilang sariling teritoryo. Naimbita ako ng Star Cinema sa presscon ng pelikulang ito na nagtatampok kina AiAi delas Alas at Eugene Domingo, siguro hindi bilang host ng GMA 7 kundi bilang isang entertainment writer din (may column ako rito sa PSN).
Hindi ko pinalalampas ang mga ganitong imbitasyon dahil bukod sa aking column, nakakakuha ako ng materyal para sa aking programa sa TV at maging sa radyo. Tumutulong din ako, sa aking maliit na kakayahan, sa promosyon ng mga entry sa MMFF at sa industriya ng pelikula in general, by inviting producer and stars to promote their films sa aking programa. Mabait naman ang GMA 7 dahil hindi nila ako pinagbabawalan sa aking endeavor na ito.
Samantala, sa trailer pa lamang ng pelikula, natatawa na ako. Iba naman ang genre nito sa Si Agimat at si Enteng Kabisote na isang action adventure with lots of special effects. Purely comedy with a dash of drama ang Ang Tanging Ina na kung saan starring din ang dalawang Kapuso, sina Marvin Agustin at Eugene Doningo.
* * *
Unfair naman yung tanong kay AiAi kung bakit hindi siya kumuha rin ng malakas na suporta para makatulong sa box-office ng kanyang pelikula. Tulad nina Bong Revilla at Vic Sotto na masasabing formidable at the team to beat sa MMFF. Bakit hindi ba malakas na ka-tandem si Eugene Domingo? Nagbibida na rin naman ito at kung reyna si AiAi, prinsesa naman si Uge ng comedy.
Maganda rin ang tandem nila, may chemistry, mayroon silang rapport. I’m sure, ang Ang Tanging Ina... at Si Agimat at si Enteng Kabisote ang magiging mahigpit na magkalaban sa box-office sa darating na MMFF.
* * *
Aba, si Willie Revillame na raw ang nagpasyang baguhin ang format ng kanyang programa sa TV5 para wala nang gulo at hindi na sila hinahabol pa ng ABS-CBN.
Sa gagawin niyang ito, sana matapos na ang gulo sa pagitan nila ng iniwan niyang network. At para makapagpatuloy na sila pareho ng kanilang mga gawain nang hindi na nagsasalpukan pa.
At sana, pati ang mga kaso nila sa korte ay pare-pareho na ring matapos para magtuluy-tuloy na ang pagiging tahimik nila.
* * *
Sa rami nang nagsasagawa ng mga talent shows, nakikini-kinita ko na darating ang araw na pati ang kasuluk-sulukan ng bansa ay mapupuntahan ng mga talent scout sa paghahanap ng mga isasalang sa mga talent shows.
Okay sana ito kung lahat ng talento, matapos silang ma-expose at manalo ay masusustina ng mga makaka-discover sa kanila at hindi pabayaan na lamang. Ang daming nagiging winners ng mga talent shows na pagkalipas ng ilang panahon ay nangangawala rin dahil hindi nabibigyan ng oportunidad.
Sometimes it takes quite a while para makapagpasikat ng isang talent. Kung walang tiyaga ang nakadiskubre at gusto ay madaling pagkakakitaan lang, masasayang ang talent, kakalimutan na at hindi na sisikat.
It takes not only talent para sumikat. But it takes longer para sila mapasikat.
- Latest