^

PSN Showbiz

Piolo excited na kay Kim

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng maraming fans ang kauna-unahang pelikula na pagsasamahan nina Piolo Pascual at Kim Chiu.

Excited na raw si Piolo para sa bago niyang project na ito. “Nag-brainstorming na kami. Nilalatag na ‘yung characters namin, but I’m excited. I think Kim is doing something else before that. Baka come January mag-start na kami ng shoot. Wala pa kaming title, but Direk Malu Sevilla, it’s her first movie directorial job. I’m really happy because it’s a dream project in a way. Kami-kami ang nag-conceptualize, that will suit myself and Kim,” maikling pagde-detalye ni Piolo tungkol sa project. Samantala, kalo-launch pa lang ng coffee table book ni Piolo na may title na Piolo Revealed, A Raymund Isaac Perspective, ginulat daw ni Piolo ang lahat ng kanyang tagahanga sa mga revealing photos na makikita sa libro. “Well the title of the book is Revealed, in a sense that there are never before seen photos. It’s not the sexy part we wanna reveal, but rather an intimate side of myself. A personal side of Piolo shot of course by a famous photographer Raymund in his perspective,” kuwento pa ni Piolo.

Matagal na raw nilang balak gawin ang nasabing coffee table book, nag-ipon sila ng pictures for almost five years at nag-shoot din sila this year ng mga bagong photos para mapasama sa libro. Ang coffee table book din ni Piolo ay maituturing na isa sa mga pinakamalaking libro na ginawa ng isang celebrity sa Pilipinas. 3D pa raw ang ilang pahina kaya may kasama ring 3D glasses ang bawat coffee table book para ma-enjoy ng fans ang mga pictures ni Piolo.

Queenie mama na ang tawag kay Mariel

Hindi lang pala si Robin Padilla ang laging inaasikaso at inaalagan ni Mariel Rodriguez kundi pati ang mga anak ni Robin katulad ni Queenie. Madalas kasing makasama ng mag-asawa si Queenie sa kanilang mga bakasyon at pati na rin sa trabaho. “Sobrang inaalagaan niya (Mariel) ako, kapag nakikita niyang pagod na pagod na ako lagi niyang sinasabi na Queenie magpahinga ka na. Kapag bumibili siya ng pagkain niya lahat kami ay bibilhan niya ‘di lang siya. Sobrang thoughtful and sweet siya,” kuwento ni Queenie.

Saksi rin daw ang dalaga sa pagiging sweet nina Robin at Mariel sa isa’t isa, maging siya ay kinikilig sa kaniyang mga nakikita. “They’re very sweet and nakakakilig talaga, and sobrang thankful ako kay Mama Mariel kasi parang inaalagaan niya talaga si Papa. Nararamdaman ko naman na tototo ‘yung pagmamahal niya sa papa ko,” dagdag pa ni Queenie.

Mayroong mensahe si Queenie para sa kanyang papa at tita Mariel. “Sana you will last forever. Super suportado ko kayong dalawa. I’m happy na happy kayo, I love you so much,” emosyonal na pagtatapos ni Queenie.

KC gustung-gusto ang bagong trabaho

Magsisimula na sa Sabado ang pinakabagong reality show ng ABS-CBN, ang Star Circle Quest For The Next Kiddie Superstars. Ito ang pinakamalaking kiddie star search para sa mga batang 5 to 8 years old. Ngayon ay dalawang bata na ang tatanghaling grand winners, isang lalaki at isang babae.

Si KC Concepcion ang magiging main host ng programa kaya naman ngayon pa lamang daw ay excited na ang dalaga para sa kanyang bagong project na ito. “Auditions pa lang namin ay nakakakita na ako ng ilang pasaway, ilang gustong magpasikat talaga. Mga makukulit, masasaya at talentadong mga bata. Noong nalaman ko na may ganitong project, it was something I didn’t think twice, because I love kids, alam ng mga tao na ate ako, na mayroon akong maliliit na kapatid na makulit din. And it’s Star Circle Quest, something na inaabangan ng mga tao,” nakangiting pahayag ni KC.

Makakasama rin ni KC sina Bugoy Carillo at Xyriel Manabat as co-hosts. Produkto rin ng SCQ sina Bugoy at Xyriel na bahagi ng programang Ruffa & Ai last year. Reports From JAMES C. CANTOS

A RAYMUND ISAAC PERSPECTIVE

BUGOY CARILLO

KIM CHIU

MALU SEVILLA

MARIEL

PIOLO

QUEENIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with