^

PSN Showbiz

Ogie binawalan nang mag-travel ni Regine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nag-taping na si Marian Rivera para sa one week guesting niya sa Jillian : Namamasko Po na eere next week. Kundi nabago, role ng isang babaing galit sa Pasko dahil namatay ang asawa sa araw ng Pasko ang kanyang gagampanan.

Three days ang taping ni Marian sa Krismaserye.

Tapos na ang shooting niya ng Super Inday at malungkot ang aktres sa last shooting day dahil naging close siya sa buong cast at naging best friend pa si Pokwang.

Hindi kami sure kung lahat ng kasama sa Super Inday ay niregaluhan ni Ma­rian, pero si Pokwang, ipinagmalaking kinunan ng picture at pinost sa Twitter ang Kenneth Cole gift ni Marian na sabi ng mana­ger nitong si Popoy Caritativo ay accessories.

Nangako pala si Marian na naka-Super Inday costume siya sa Parade of Stars sa December 24 at sasabayan siya nina Pokwang, John Lapus, at Jake Cuenca.

* * *

May color coding ang isusuot ng fans ng Final 4 ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown sa finale bukas para ma-distinguish kung kanino sila kampi. Magsusuot ng kulay violet ang fans ni Aubrey Miles, yellow ang fans ni Solenn Heussaff, green ang fans ni Ervic Vijandre at blue ang fans ni Akihiro Sato.

* * *

Hanggang December 10 na lang magti-taping ng I Heart U Pare si Regine Velasquez para maasikaso ang December 22 wedding nila ni Ogie Alcasid. Next year na siya magre-resume ng taping ng rom-com series niya na isa sa mga unang show ng GMA 7 sa 2011.

Pati si Ogie, ni-request ni Regine na maghinay-hinay at pinagbawalan niya itong mag-travel. Hindi lang sinabi ni Songbird, pero naniniwala yata siya sa pamahiin na hindi dapat alis nang alis ang mga ikakasal.

Isa sa pagkakaabalahan ni Regine bago siya magpahinga sandali ay ang promo ng bagong album niyang Fantasy  under Universal Records.

Ang gaganda ng song sa album at ang carrier single na You Don’t Know ay composition ni Ogie.

Composition naman ni Janno Gibbs ang True Romance. So, kahit ‘di lumalabas ng bahay si Janno, nagsusulat pa rin ng kanta at ang nasabing song din ang favorite ni Kris Aquino sa album.

vuukle comment

AKIHIRO SATO

AUBREY MILES

CELEBRITY SHOWDOWN

ERVIC VIJANDRE

HANGGANG DECEMBER

I HEART U PARE

JAKE CUENCA

JANNO GIBBS

POKWANG

SUPER INDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with