Kara tumanggap ng Towns award
MANILA, Philippines - Isa ang I-Witness host at GMA News reporter na si Kara David sa mga pinarangalan at tumanggap ng Ten Outstanding Women in the Nation’s Service (TOWNS) Award ngayong taon.
Hindi raw inaasahan ni Kara ang parangal. Kinuwento niyang ninerbiyos siya noong humarap siya sa Chief Justice at mga kasama nito para sa isang 15-minute panel interview kaya laking gulat niya nang pagkatapos ng tatlong araw ay makatanggap siya ng notice na nagsasabing isa siya sa TOWNS awardees ngayong taon.
‘‘Special sa akin ang award na ito kasi hindi lang siya pagpapahalaga sa mga obrang nililikha sa I-Witness, pagpapahalaga rin ito sa impact na naidulot ng programa kahit papaano sa mga komunidad na ating na-feature,’’ sabi ni Kara.
Dagdag pa ni Kara, ‘‘I always say that the best award any journalist can ever get is when we are able to effect change in the communities that we feature. Ang maging tulay sa mga taong nais tumulong at mga sector na dapat tulungan.’’
Tunay ngang ang mga kuwento ni Kara sa I-Witness ay marami nang naantig na puso at nabigyan ng inspirasyon na kumilos para tumulong. Sa likod ng kamera, tuloy ang kanyang dedikasyon sa pagtulong sa pamamagitan ng Project Malasakit, ang foundation na tinatag ni Kara para sa mga batang mahihirap na nais makapag-aral.
‘‘Sa rami ng mga bundok na inaakyat namin sa I-Witness, hindi matanggap ng puso ko na iwanan na lang sila pagkatapos namin magawa ang dokumentaryo, thus, we give them the gift of ‘‘malasakit.’’ Most of our scholars come from the children we feature on the show,’’ ayon kay Kara.
Huwag palalampasin ang I-Witness, tuwing Lunes, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.
- Latest