^

PSN Showbiz

Cast ng Kokey..., malungkot

-

MANILA, Philippines - Matatapos na ang fantaserye ng ABS-CBN na Kokey@Ako ngayong linggo at ngayon pa lang ay hindi maitago ng lead stars nito ang pagka-miss sa programa.

“Pinakamami-miss ko si Direk Wenn (Deramas), si Direk Ricky, ang Melason, silang lahat kasi na-enjoy ko ang company nila during shoot, during tambay moment sa dressing room habang hinihintay ‘yung next take. Mami-miss ko rin ang pagganap ko bilang Jackie dahil natural at totoo ang karakter niya,” paha­yag ni Toni Gonzaga.

Kung nami-miss ni To­­­ni ang mga katrabaho sa set, mga eksena in bet­ween takes naman ang mami-miss ng kanyang on-screen partner at Prin­ce of Comedy na si Vhong Navarro.

“Mami-miss ko ‘yung mga biruan, ‘yung mga pagla­laro namin sa mga boses nina Kokey at Ke­kay, ‘yung panggagaya na­­min sa kanila. ‘Yung mga harutan, adliban, ‘yung patapos na eksena hahabol pa ng punchline,” sabi naman ni Vhong.

Iba naman ang epekto ng pagtatapos ng programa sa reel at real life couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco dahil habambuhay nilang babaunin ang mga natutunan sa lahat ng nakasama at nakatrabaho sa Kokey@Ako.”

“Natutunan ko ‘yung professionalism kasi sina kuya Vhong at Ate Toni, kahit malaking artista na sila, hindi mo sila makikitaan ng pag-iinarte sa trabaho. Inaaral nila ‘yung script, ‘yung character, iniintindi nila ‘yung instructions,” pagbabahagi ng magka-loveteam.

ATE TONI

DIREK RICKY

DIREK WENN

JASON FRANCISCO

KOKEY

LSQUO

MAMI

MELAI CANTIVEROS

SHY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with