Sobra ang kamalditahan? Andi inaayawan ng mga stylist
Kung tutuusin, wala naman sa titulo ang ikinasisikat ng isang artista. Pero ito ay isang malaking patunay ng kanyang kasikatan.
Sa unang pagsasama nina Martin Nievera at Sarah Geronimo sa isang major concert, at dahil na rin sa pagiging concert king ni Martin kung kaya ipinapasa ang titulong concert queen na ibinigay sa kanyang perennial ka-team up sa concert stage at ex na si Pops Fernandez kay Sarah. Siyempre, tutol si Pops, dahil sa kanya nga naman ang titulo. In the same way na kahit hindi na aktibo sa paggawa ng movies si Nora Aunor dito sa bansa ay siya pa rin ang itinuturing na Superstar.
If Martin has not relinquished his being a concert king, ganundin naman si Pops. Dapat kung hindi man si Sarah ay ang PR management niya ang tumanggi sa titulo, dahil may iba nga namang may-ari nito.
Wala namang kumukuwestyon sa kakayahan ni Sarah na magpuno ng mga venue dahil ilang beses na niya itong pinatunayan.
Tama lang si Pops, kailangang mag-isip ang think tank niya ng isang bagong titulo na magagamit sa promosyon ng concert nila ni Martin.
* * *
Ngayon sina Jericho Rosales naman at Andi Eigenmann ang ginagawan ng intriga. Only because sumagot na ang young actress sa pahayag ng aktor na hindi siya type nito. Maaring totoo ito but Echo could have said it in a nicer way para hindi naman maging offensive kay Andi. Tuloy sumagot ito na hindi rin naman niya type ang isang mas matanda sa kanya na tulad ni Echo.
Ano ba ang masama kung hindi nila type ang isa’t isa? I’m sure walang sinumang nag-isip na puwede silang maging isang item.
Kundi lamang minsan ay nabanggit ni Andi na crush niya ang aktor at saka pa lamang pumasok sa isip ng marami na oo nga, puwede pala silang dalawa. Si Andi na lubhang napakabata pa para mag-stick sa iisang crush na ayaw pa sa kanya?
Sabi nga niya magko-Coco Martin na lang siya!
Pero ano itong nababalitaan ko na iniiwasan ng maraming make-up artists o stylists na ma-assign kay Andi dahil may attitude problem daw ito?
Sa halip daw na maging grateful ito sa serbisyo nila ay minamaldita pa sila nito. Kaya sinasabi na one stint lang ang mga nagpapaganda sa kanya, at pagkatapos ay umaayaw na sila?
Totoo ba na maski na si Jaclyn Jose ay walang magawa sa attitude na ito ng kanyang anak?
Just asking.
* * *
Mabuti naman at nagkausap na sina Aga Muhlach at Sharon Cuneta. Wala namang pasubali na magkakaayos din sila, dahil friends sila. Nakapagtataka lang na kailangang umiral pa ang pride sa panig ni Aga. Kung inakyat niya sa stage si Sharon nung nagsasalita ito eh baka na-upstage pa nila ang star of the show na si AiAi delas Alas. Napaka-ganda pa sanang eksena ang nalikha nila.
Tama si Sharon, Robin Padilla would have done that. Kinailangan pang maintriga sila bago nila na-realize na friends pala sila and between and among friends, walang pride na dapat umiral.
Mismong si Charlene (Gonzales, misis ni Aga) ang naghatid ng balitang pag-uusap ng kanyang mister at ng BFF nito. I’m sure magandang balita ito para sa mga nagmamahal kina Morning at Shawie. Mas maganda na ang Christmas nila dahil nagpatawaran na sila, sana.
* * *
What I thought would be a sad Christmas as far as celebration is concerned para sa mga movie press ay nagkakaroon na ng masayang mukha. Magandang magbuwena-mano si Gob. Vilma Santos.
Salamat din kay Councilor Jimmy Borres ng District 3, QC sa pagpapagamit ng kanyang resort sa Pansol, Laguna sa ilan niyang constituents ng dalawang araw (Nob. 28 & 29) sa pamumuno ng dating kagawad na si Bebot Rodriguez.
- Latest