^

PSN Showbiz

Manny Pangilinan naki-akting sa Rosario

-

MANILA, Philippines - Ipinagmamalaki ng Cinemabuhay Inc., ang Rosario.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali sila sa taunang piyesta ng mga pelikulang Pilipino - 2010 Metro Manila Film Festival.

Naniniwala ang produksiyon na may maiaambag sila sa kalidad at husay ng paglikha ng pelikula sa obrang pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Isa itong period movie na tumatalakay sa naging buhay at pag-ibig ni Rosario, isang babaeng may makabagong pananaw at paniniwala na nabuhay noong 1920’s.

Hango sa tunay na kasaysayan ng lola ng isa sa mga pinaka-maimpluwensiyang negosyante sa bansa, si Mr. Manny Pangilinan, ang Rosario rin ang kauna-unahang pelikula na dinirek ng award-winning actor na si Albert Martinez. 

Halos umabot sa isang dekada para mabuo ang pelikulang ito. Limang taon ang ginugol para buuin ang kuwento, kasama na ang research at iba pang mahahalagang detalye tungkol sa naging kasaysayan ni Rosario. “Then it took another five years for us to completely make it into a movie. Madugo ang proseso, halos may mga pagsuko na kami noong umpisa, madaming revisions sa script, sa budget, sa casting, ilang beses nagpa-audition ng mga artista, madaming meetings at mga consultations. Then finally, eto na siya. Mapapanood na natin sa Dec. 25,” pagmamalaki pa ni direk Albert.

Sa pangunguna ni Jennylyn na sadyang nag-audition para sa role, ipinagmamalaki nila na ang pelikulang ito ang kauna-unahang local movie na gumamit ng mga makabagong camera equipments na tinatawag na Arri Alexa, ang pinakabagong teknolohiya kamera na may kakayahang mag-edit at nagtataglay ng mga kulay na kailangan kahit anong oras pa ang kinukunan.

At dahil unang directorial movie ito ni direk Albert, nakiusap siya sa mga kaibigang artista na pawang mga award-winning actors din na lumabas dito gaya nina : Liza Lorena, Lester Llansang, Rita Avila, Desiree del Valle, Jaime Fabregas, Dino Imperial, Tonton Gutierrez, Lloyd Samartino, Ron Morales, Precious Lara Quigaman, Jamie Rivera, Joy Ortega, Miki Hahn, Gaby de la Merced, Liezl Martinez, Ronaldo Valdez, Bert Martinez, Dino Guevarra, Bing Loyzaga, Chinggoy Alonzo, Lito Pimentel, Chanda Romero, si Ara Mina, at ang Cinemabuhay executive na si Mr. Bong Sta. Maria, si direk Albert Martinez mismo at ang top honcho ng PLDT-SMART-TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan o MVP.

Kasama rin sa pelikula sina Yul Servo, Isabel Oli at Sid Lucero at ang beteranong sina Philip Salvador, Eula Valdez, Ricky Davao, Empress, at ang hari ng komedya na si Dolphy.

“Bibihira tayong makapanood ng mga ganitong pelikula lalo na sa MMFF kaya’t isang malaking karangalan para sa amin ang maging official entry sa taong ito,” komento ni Cinemabuhay executive Bong Sta. Maria.

ALBERT MARTINEZ

ARA MINA

ARRI ALEXA

BERT MARTINEZ

BING LOYZAGA

BONG STA

CHANDA ROMERO

CHINGGOY ALONZO

CINEMABUHAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with