^

PSN Showbiz

Sarah palaban!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Bago ang lahat, happy 30th birthday muna sa aking boss na si Papa Miguel Belmonte. Actually, hindi ko alam ang exact age ni Papa Miguel pero dahil bagets-looking siya, ipinako ko sa trenta ang kanyang edad.

Good health, more success and many money ang mga birthday wish ko sa isa sa mga pinakamabait na boss na nakilala ko. Malapit na ang Pasko kaya magkikita na uli kami ni Papa Miguel para sa aking tradisyon na pagbisita sa kanyang opisina.

* * *

Na-miss ko ang lunch kahapon with Batangas Governor Vilma Santos dahil sa taping ng Tweetbiz pero titiyakin ko na magkikita kami ngayon ng Star for All Seasons.

November 25 ang petsa ng Thanksgiving Day sa Amerika at isinabay ni Mama Vi sa Thanksgiving Day ang pakikipagtsikahan sa friends niya sa entertainment press.

Bukas ko ikukuwento sa inyo ang mga napag-usapan namin ni Ate Vi sa aming pagkikita ngayon.

* * *

Kahapon ang presscon nina Sarah Geronimo at Martin Nievera para sa kanilang concert sa February 2011.

Yes, next year pa po ang Valentine’s Day concert nina Sarah at Martin pero maagang nagpatawag ng presscon ang produ ng kanilang first ever show together sa Araneta Coliseum.

Favorite ko si Sarah kaya dumiretso ako sa presscon nila ni Martin pagkatapos ng taping namin sa Tweetbiz.

Aba, palaban na si Sarah sa pagsagot dahil may mga hirit siya sa mga nagtatanong tungkol sa kanyang lovelife. May inspirasyon ngayon si Sarah pero ayaw niyang sabihin ang name dahil tiyak na pagpipistahan ito ng mga reporter.

Huli kaming nagkita ni Sarah sa contract signing namin para sa Cebuana Lhuillier. Sa mga nagtatanong tungkol sa aming TV commercial na ginawa, ipalalabas pa rin ito pagkatapos ng Pasko. Ang solo commercial muna ni Sarah ang mapapanood ngayon sa mga TV station sa Pilipinas.

* * *

Nag-pictorial na si Shalani Soledad para sa Bench pero hindi ako sure kung alin sa napakaraming produkto ni Ben Chan ang kanyang i-eendorso.

Madalas na fresh-looking si Shalani kaya may mga tao na gustong malaman ang brand ng kanyang pabango.

Na-discover ko ang pabango ni Shalani nang puntahan ko siya sa dressing room niya sa Willing Willie. Hindi ako nag-attempt na harbatin ang cologne ni Shalani dahil mura at mabibili yata sa lahat ng tindahan ang Johnson’s baby cologne.

Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nanghaharbat ng baby cologne ‘no!

* * *

Mukha talagang manika si Jillian Ward nang umapir siya sa presscon ng Jillian: Namamasko Po!

Kasi naman, manika na nabuhay at gumagawa ng kabutihan sa kapwa ang role ni Jillian sa Christmaserye ng GMA 7.

Napakaganda ng mukha ng bagets kaya mapagkakamalan siya na manika. Sina Wendell Ramos at Claudine Barretto ang mga ka-join ni Jillian sa Namamasko Po at may special participation sina Marian Rivera at Carla Abellana.

vuukle comment

ALL SEASONS

ARANETA COLISEUM

ATE VI

JILLIAN

NAMAMASKO PO

PAPA MIGUEL

SHALANI

THANKSGIVING DAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with