^

PSN Showbiz

Ara naglalako ng pang-regalo sa Pasko

RATED A - Aster Amoyo -

Inihatid na sa kanyang huling hantungan nung nakaraang Linggo, Nov. 21, alas -10:00 ng umaga sa North Wall, Columbary of Sto. Niño de Cebu sa may Visayas Avenue, Quezon City ang kilala at res­petadong talent manager na si Wyngard Tracy matapos siyang sumakabilang-buhay nung November 16 at agad na-cremate.

“My father was larger than life when he was still alive. Even in death, he programmed everything,” pagtatapat ng kaisa-isang anak ni Wyngard na si Mico.

Alam mo ba, Salve A., na sa mahigit na tatlong dekada naming pagkakakilala at pagkakaibigan ni Wyngard ay nung Huwebes ng gabi ko lamang nalaman ang tunay niyang pangalan? Ganun kasi si Wyngard. 

It was during the 70’s nang una kong makilala si Wyngard sa Broadcast City kung saan siya ang executive assistant ng big boss na si Ms. Kitchie Benedicto (KB).

Madalas kasi ako noon sa Broadcast City para samahan ang mga talents ng Vicor Music Corporation and eventually ng OctoArts International na nagpu-promote ng kanilang mga bagong singles at albums sa iba’t ibang programa ng sequestered TV networks.

Pero never kong tinanong si Wyngard kung may dugo siyang banyaga dahil sa kanyang foreign-sounding name at apel­yido. Ganunpaman, siguradong may dahilan si Wyngard kung bakit gumamit siya ng American screen name kesa sa totoo niyang pangalan.

Wyngard will forever be gone but his good memories ay mananatiling buhay sa puso’t isipan ng mga taong nagmamahal at nakakakilala sa kanya.

***

Isa si Ara Mina sa mga kilalang showbiz personalities na marunong mag-invest sa perang kinikita.

Nakapagpundar siya ng ilang properties at kasama na rito ang isang magarang bahay sa isang exclusive subdivision sa Quezon City. Pinasok na rin niya ang ilang negosyo at kasama na rito ang restaurant business. Itinigil man niya ang kanyang restaurant at talent agency business, pinalitan naman niya ito ng ibang negosyo na may kinalaman sa beauty product line na Ara’s Secret na magiging commercially available early next year. 

Kapag hindi busy si Ara sa kanyang mga showbiz commitments, naka-focus ang kanyang attention sa bago niyang business at bilang soft launch, inalok niya ito sa kanyang mga kaibigan at kakilala na gawing Christmas gift packages at nakakuha na siya ng halos isang libong orders for Christmas give-aways. 

Ang beauty product line ng Ara’s Secret ay whitening soap, facial cream, five-in-one shampoo/conditioner at hair fall treatment, body lotion, moistu­rizer at iba pa.

Samantala, binibigyan ni Ara ang kanyang sarili ng apat pang taon to settle down although ready na raw siyang gawin ito kapag niyakag siyang magpa­kasal ng kanyang businessman-boyfriend na si Raymond Yap.

“Nasa kanya na yata ang mga qualities na hinahanap ng isang babae sa isang guy – guwapo, edukado, disente, mabait, supportive, simple at hindi mayabang sa kabila ng kanyang estado sa buhay,” pagmamalaki pa ni Ara sa kanyang present boyfriend.

***

Piracy ang major factor kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naka­kabawi ang industriya ng pelikulang Pilipino. Ito ang inihayag ng dating movie producer at isa sa mga opisyales ng Metro Manila Film Festival committee na si G. Manny Nuqui sa launch ng 2010 MMFF na ginanap sa Cory C. Aquino Kalayaan Hall ng Club Filipino kamakailan lamang.

Piracy nga ba, o ang mataas na singil sa sinehan?

AQUINO KALAYAAN HALL

ARA MINA

BROADCAST CITY

CLUB FILIPINO

COLUMBARY OF STO

CORY C

KANYANG

QUEZON CITY

WYNGARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with