^

PSN Showbiz

'My Amnesia' naka-B!

-

MANILA, Philippines - Naka-B sa Cinema Evaluation Board ang pelikulang My Amnesia Girl nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Kaya lang, parang nasobrahan ng tamis ang pelikula ng dalawa na first time nagtambal.

Sugary siya.

Ang nakakaloka, hindi pala si Toni ang may amnesia sa pelikula, si John Lloyd pala. Sa trailer at promo kasi parang si Toni.

Hahaha.

Watch na kayo.

Si Direk Cathy Garcia-Molina ang direktor kaya naka-wig ang bidang si Toni.

May halikan din sila sa ulanan na mga tatak ni Direk Cathy.

* * *

Maki-join na sa pinakabagong weekend laugh trip sa telebisyon na magpapasakit ng inyong tiyan sa kakatawa at magpapa-LOL sa inyo sa sobrang saya - ang Laugh Out Loud.

Sa pangunguna ng versatile TV host-actor na si Luis Manzano, ihahatid ng programa ang mga nakakatawang video ng may tunay na reaksiyon ng mga taong nasangkot sa samu’t saring pranks sa opisina man, eskuwela, kalsada, o kung saan-saan pa.

“Dito sa LOL ay well-thought-of ang pranks. Lahat ng ginawa namin dito, pinag-isipan nang husto, 99.9% matatawa kayo. Walang mapipikon,” ayon kay Luis.

Kasama rin ni Luis sa programa ang Queen of Cosplay turned reality show host na si Alodia Gosiengfiao na sasabak sa kanyang first ever Kapamilya project. Si Alodia ang dating sinasabing bagong karelasyon ng aktor na hindi naman pala totoo dahil magkasama nga sila sa LOL.

“I feel very honored to be part of this show! I’ve never really done a show with ABS-CBN and I feel very nervous, to be honest, because people might have very high expectations. I’m working with pros and veterans in the field. So yes, as a newbie, I really hope to learn a lot and improve from working with the team!” sabi ni Alodia.

May pagkakataon ding manalo ang mga viewers tuwing Sabado ng gabi sa Nakaka-LOL kang Reaction of the Week text promo. Pipili ang Laugh Team ng top three na reaksiyon mula sa mga ipapakitang pranks at pagbobotohan ng mga viewers kung alin sa tatlo ang pinakapanalo sa kanila.

Ang pinakamataas na boto ay makakatanggap ng P10,000. At kahit ang masuwerteng text voter ay may cash prize ding P3,000.

Mag-uumpisa ang naiibang comedy reality show na Laugh Out Loud nga­yong Sabado, ika-4 ng Disyembre, 9:45 PM pagkatapos ng MMK sa ABS-CBN.

ALODIA GOSIENGFIAO

CINEMA EVALUATION BOARD

DIREK CATHY

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

LAUGH OUT LOUD

LAUGH TEAM

LUIS

LUIS MANZANO

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with