^

PSN Showbiz

Paghahanda sa pasko sa Life and Style

-

MANILA, Philippines –  Thirty three na tulog na lang at Pasko na. Kaya sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes, tungkol sa paghahanda para sa selebrasyon ng kaarawan ni Niño Jesus ang itatampok ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas onse nang umaga sa QTV-11.

Masisiyahan kayong tiyak sa pagpasyal sa X’mas Factory ni Tony Boy Santos kung saan mayroong magagandang dekorasyong itinitinda. Gayundin sa Color It X-Mas ni Tami Leung na mga iba-ibang palamuti ang mabibili na angkop sa laki at modelo ng inyong bahay.

Ano ang Pasko kung wala tayong parol na isinasabit sa’ting mga bintana

Tutukan ang interbyu ni Mader Ricky sa may-ari ng Crafty Mommy Novelties na ang mga parol ay gawa sa abaca at Amphil Theater na eksperto sa mga parol na yari sa kapis na ini-export na rin ngayon.

Tuwing Disyembre ay maraming babasahin at TV people ang nagre-request na mai-feature nila ang Valle Verde VI residence ni Mader RR dahil sa makukulay at magagandang palamuti roon. Abangan sa programa ang aktwal na demo ng host-producer kung paano niya binibigyan ng Yuletide spirit ang sariling tahanan.

 Abangan si Karen delos Reyes na co-host sa Great Hair Day at si Regine Tolentino sa Gandang Body.

Kapapanalo lang ni Mother Ricky Star Awards for TV 2010 bilang Best Lifestyle Show Host Award.  

ABANGAN

AMPHIL THEATER

BEST LIFESTYLE SHOW HOST AWARD

COLOR IT X-MAS

CRAFTY MOMMY NOVELTIES

GANDANG BODY

GANDANG RICKY REYES

GREAT HAIR DAY

LIFE AND STYLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with