Movie na ginagawa ni Christian sa Indonesia ipapalabas sa 'Pinas
Abala si Christian Bautista sa paggawa ng kanyang pelikula sa Indonesia na may title na Jayden’s Choir, mga Indonesian artists ang makakasama niya rito. Kumusta kaya ang experience ng singer doon? “Ganito pala ang ginagawa nila bago mag-shooting, lahat ng artista ay naka-block ang schedule sa workshop, so talagang mapa-practice mo ‘yung scene at makikilala mo ‘yung artista. Tapos mababait ‘yung mga artista, ‘yung mga bata ay makukulit pero masayang kasama. It’s a kind of movie raw na matagal nang hindi naipapalabas doon, mga 90’s pa o 80’s, talagang they really have high hopes for this movie kasi family movie siya,” kuwento ni Christian.
Malapit nang matapos ang nasabing pelikula at hopefully ay mapanood din dito sa Pilipinas. “It’s gonna be released in Jakarta March, so three days na lang ang shoot. Babalik ako doon ng January para sa mga dubbing. Nakikipag-usap na kami sa ibang production labels dito at kung sinong gustong kumuha, siyempre ay doon namin ibibigay,” dagdag pa ng Asian singing sensation.
Ngayon ay busy din si Christian sa pag-promote ng kanyang Christmas album from Universal records. “It has wonderful songs like your favorites like A Christmas Song, we have a special song like Christmas Time which I wrote, an original song din with Liza Chan ‘yung anak ni Jose Mari Chan, we have a wonderful duet together, and many other favorite Christmas songs n’yo,” pagtatapos pa ni Christian.
Enchong Dee, naglibot sa Paris
Kamakailan ay nagpunta si Enchong Dee sa Paris para makapagbakasyon at para na rin makapag-celebrate ng kanyang birthday kasama ang kanyang mga kaibigan at manager na si Keren Pascual.
November 5 ang talagang birthday ni Enchong. “I went to Paris October 31st tapos we stayed until November 7 kaya doon na rin ako nakapag-celebrate ng birthday. Ang saya dahil first time ko in Europe eh,” bungad ng binata.
Ano kaya ang ginawa ni Enchong kasama ang mga kaibigan for one week sa Paris? “Noong unang day namin, Arc De Triomphe, tapos nagpunta kaagad kami sa Eiffel tower. Tapos saktung-sakto kasi biglang nag-sparkle ‘yung Eiffel tower while we were walking going there. Ang galing dahil parang welcome thing sa amin ni Lord. We went to Notre Dame, tapos noong birthday ko rin ay may pinuntahan kaming church sa taas ng Paris tapos ay doon ako nagdasal, nakaka-amaze. ‘Yung eksaktong birthday ko talaga, I went sa Louvre, kay Mona Lisa, nakakatawa kasi may mga nakikita akong Pinoy, pero usually kung saan ako makulit wala dun sila, so takbo ako nang takbo, kuha lang ako nang kuha ng pictures and sobrang memorable,” nakangiting kuwento pa ni Enchong. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest