^

PSN Showbiz

Mga sorcera magpapaalam na

-

MANILA, Philippines - Ang labanan ng mga mabuti at masamang sorcera ng Ilumina ay magwawakas na ngayong gabi (Nov. 19) sa GMA 7. 

Kaya’t magpapaalam na rin ang mga kinagi­liwang puti at itim na sorcera sa pangunguna nina Romana (Rhian Ramos) at Krisanta (Jackie Rice).

Si Romana ang nakatakdang lider ng mga white sorcerers at ang kakambal namang si Krisanta ang para sa mga black sorcerers.

Nagpagitna sa istorya ng magkapatid ang pagpasok ng iisang lalaking natipuhan sa katauhan ni Iñigo (Aljur Abrenica).

Powerhouse cast din ang Ilumina dahil narito ang mga batikang artista na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Ara Mina, Jean Garcia, at Cesar Montano.

Sa huli, paano kaya tatalunin ni Romana si Elvira (Jean) matapos siyang pagalingin at bigyan ng bagong kapangyarihan ng mga ninunong sorcera na sina Hannah (Carla Abellana) at Efra (Bianca King)?

Paano tutulungan ni Iñigo (Aljur) si Romana samantalang isa siyang black sorcerer? Bukod sa ibang namatay na sorcera, mamamatay din ba si Frederico (Christopher)?

Abangan ang mga kaganapan sa huling gabi ng Ilumina.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ARA MINA

BIANCA KING

CARLA ABELLANA

CESAR MONTANO

ILUMINA

JACKIE RICE

JEAN GARCIA

KRISANTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with