Perfect lover: Babaeng may katawang plastic
MANILA, Philippines - Saan nga ba matatagpuan ang tunay na pag-ibig? Puwede ba itong matagpuan sa isang nilalang na produkto ng sensiya na ang nagmamaneobra ay isang computer lamang?
Sa pelikulang The Woman Every Man Wants... Perfect Lover, sinubukan ng isang plastic designer na nabubuhay sa modernong panahon na maghanap ng isang babaeng puwedeng punan ang kanyang pangangailangan at sundin ang lahat ng kanyang iuutos lalo na sa aspetong sekswal.
Nagtagumpay naman siya at napasakamay ang isang nilalang na nakaprograma sa isang computer ang bawat galaw at ito ay isang babaeng kalahating tao at kalahati ay plastic na kung tawagin ay humanoid.
Nag-enjoy siya sa company ng humanoid at unti-unti niyang nararamdaman na nahuhulog na ang loob niya rito. Natagpuan niya kaya sa humanoid ang tunay na pag-ibig? Puwede bang umibig ang isang normal sa isang walang damdaming binuo lang ng makabagong teknolohiya?
Alamin at tuklasin sa romance-comedy movie ng taon na The Woman Every Man Wants.... Perfect Lover na showing na sa Dec. 8 sa mga sinehan. Tampok dito sina Ryan Hurst at Daniela Lunkewitz.
- Latest