Pacman hindi tumupad sa album contract, idinemanda ng $10 M
MANILA, Philippines - Siguradong barya lang kay Manny Pacquiao at kayang-kaya niyang bayaran ang $10 million. Sa laki nang kinita niya at kikitain pa sa laban nila ni Antonio Margarito, balewala ‘yan.
Kahapon kasi ay lumabas sa TMZ Sports na nag-file ng kaso ang RBM Group International sa L.A. County Superior Court.
Ang rason ng kaso, hindi raw tumupad sa kanyang kontratang pinirmahan ang world boxing champion.
Pinirmahan daw ni Pacman ang isang kontrata kung saan nakapaloob na gagawa siya ng album na may 12 na kanta. Nakasaad sa documents na naglabas ng halagang $40,000 ang RBM bilang deposito katapat ng dalawang kanta. Kaso hindi nga raw tumupad ang boksingero eh nalulugi raw sila ng halos sampung milyong dolyares.
Tingnan natin kung kaya nilang i-knock down si Manny sa halagang $10 million.
O baka naman hindi talaga alam ni Manny ang naturang deal ng nasabing kumpanya sa Amerika kaya hindi ito tumupad sa kontrata na sinasabi nila.
Remember na maraming nakapaligid kay Manny at hindi natin alam kung may authority silang lahat para makipag-deal for Manny.
Hilig ng kongresistang boksingero ang pagkanta kaya nakakagulat naman na hindi niya tinupad ang sinasabi nilang kontrata para sa isang album.
* * *
Ano nga kayang nangyari kay Ruffa Gutierrez? Kahapon ay nag-tweet siya : “Something strange & scary happened to me this morning. Lorin & Venice found me on the floor...pale, out of breath & unconscious. Getting a CT scan, EEG & X-rays now. Pls pray for me.”
- Latest