^

PSN Showbiz

'Hindi si Toni ang bumuhay ng dugo ko' JLC

- Veronica R. Samio -

Nakita kong napapangiwi si Toni Gonzaga habang tinatanong ng press si John Lloyd Cruz tungkol sa naging kissing scene nila sa pelikula nilang My Amnesia Girl. Hindi mo naman masisi ang press na maging maurirat. First time ito ni Toni na pumayag na gumawa ng ganung eksena. Bagaman at nahalikan na rin siya before ng mga nakapareha niya, mga smack lang ito, basta magdikit lang ang labi pero ‘yung sa kanila ni JLC ay swak na swak. Katunayan sinasabi na binigla lamang siya ng kapareha para magkaroon sila ng ganung eksena, hindi ito plinano.

“Hindi ko naman gagawin ‘yun sa kaninumang kapareha ko. Nasa plano ‘yun, nakalagay sa script. Ayaw ko na lang i-highlight. Mas gusto kong mag-focus sa materyal na bagay para sa isang katulad ni Toni,” pagtatanggol ni JLC.

Pero ayaw pa ring tigilan ang aktor. Sinasabing nang kinunan ang eksena nilang halikan ay nag-blush siya, nabuhay ang dugo, kaya sinabi niyang “Hindi naman totoo ‘yun.’ Galing lang ako sa basketball bago ako pumunta ng set. Hindi si Toni ang bumuhay ng dugo ko,” dagdag paliwanag niya.

Lihim na lihim ang istorya ng My Amnesia Girl. Walang ibang alam ang press tungkol sa istorya nito bukod sa ito ay tungkol sa pagbibigay ng ikalawang pagkakataon and making things right. Along the way, malalaman kung ano sa mga nakaraan ng tao ang gusto nilang maalala, ano ang gusto nilang kalimutan. Mas madali pa sigurong maintindihan kung sasabihin na tungkol ito sa pagkikita ng dalawang mag-ex pero, ang babae ay walang alaala, hindi na makilala ang lalaki.

* * *

Marami ang hindi nakakilala kay Beatrice Saw nang dumating ito sa presscon ng My Amnesia Girl. Bukod sa pamilyar ang mukha niya sa lahat, marami ang parang nakalimutan na ang dating grand winner ng Pinoy Big Brother.

Paano, ang laki ng iginanda niya, mukha ring tumangkad siya. Pati siya nagulat sa sinasabi ng lahat na malaking pagbabago niya.

Kaibigan at business partner ni Toni ang role na ginagampanan niya sa pelikula.

Nagbabalik din sa pag-arte si Carlos Agassi na sa tagal ng hindi paggawa ng pelikula ay nakalimutan na kung paano mag-dubbing.

Gininaw din siya dahilang nakalimutan na niya kung gaano kalamig sa dubbing room. Sila naman ni JLC ang barkada sa pelikula. Takot mag-asawa ang character na ginagampanan niya.

* * *

Kinabahan naman si Cathy Garcia Molina sa tanong kung sino sa kanila ni direktor Wenn Deramas ang mas bagay na tawaging box-office direktor. “Ibini­bigay ko na sa kanya ang karangalan.Takot ako sa titulong ito,” sabi niya pero sinabing ang tatlong pelikula na pinagsamahan nila ni JLC ay kumita lahat sa takilya. Kung ilang beses naging box-office king si JLC, ganun din siya.

* * *

Mukha ngang maganda ang kumbinasyon nina dating pangalawang pangulong Noli de Castro, Korina Sanchez at Ted Failon sa TV Patrol, lumalaban sila ng sabayan sa kasabay na programa. Marami pa rin talaga ang dumi-depende sa balita sa TV.

Sa gabi pa lamang inaalam na nila ang mga kaganapan sa bansa at maging sa labas nito.

Sa tatlong news anchor ng TV Patrol, si Kabayan Noli talaga ang na-miss ng husto ng manonood.

Nagsimula si Kabayan Noli sa radio nung 70s. Ang sikat na radio broadcaster nun na si Johnny de Leon ang nagbigay sa kanya ng break.

Sa DZMM siya nabinyagang Kabayan at naging pambato ng istasyon. Sa Radio Patrol at sa Magandang Gabi Bayan nahasa ang kakayahan niya sa pagbabalita. Ang pagiging broadcaster niya ang naglagay sa kanya sa No. 1 position nang tumakbo siya bilang senador nung 2001.

* * *

Siguro ilang na ilang na si Sarah Geronimo sa palaging pagkakadawit ng kanyang pangalan sa relasyong Rayver Cruz at Cristine Reyes. Pinalalabas pa nga ng ilan na nag-iiwasan sila ng sexy actress kapag nagkikita sila sa prog­ramang ASAP XV.

Pero hindi lang naman si Sarah ang sabit sa sinasabing relasyon nina Cristine at Rayver kundi maging si Zanjoe Marudo na nilalagyan ng anggulong romansa ang pagtatambal nila ni Cristine sa Kristine na naapektuhan ng malaki nang pumasok ang character ni Rayver sa serye. Guest lang ba si Rayver o ito na ang makakaparehang permanente ni Cristine? Sino naman ang ibibigay na kapareha ni Zanjoe?

Basta si Sarah walang sinasabi kundi hindi pa siya nakahandang makipag-boyfriend sa puntong ito ng kanyang karera.

vuukle comment

CRISTINE

KABAYAN NOLI

MY AMNESIA GIRL

NIYA

RAYVER

SIYA

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with