^

PSN Showbiz

Lovi at Shaina nagpapatalbugan

- Ni SVA -

MANILA, Philippines - Lovi Poe vs Shaina Magdayao. Yup, silang dalawa na ngayon ang nagbabanggaan sa nagbabagang afternoon slot. Kaya naman patalbugan ng kaseksihan ang dalawang bagets pang mga aktres. Pero lately, parang nauungusan na raw ni Lovi ang dyowa ni John Lloyd Cruz. Ang rason : sa latest survey daw kasi, umangat ang rating ng Little Star ng Channel 7.

Si Lovi na kasi ang lumalabas na bida sa nasabing afternoon serye ng GMA 7. Marami raw ibinawal kay Jennylyn Mercado nang madiskubreng may sakit ito sa puso kaya hindi ito makabuwelo sa taping. Ang ending, humahataw si Lovi na pinaboran naman ng viewers.

At kung sa teleserye ni Shaina ay madalas daw itong makita na gumagawa ng palayok sa pagitan ng kanyang mga hita, ito namang si Lovi ay panay ang rampa sa catwalk na kadalasan ay naka-two piece bikini lang.

Sino nga naman ang hindi magkakainteres manood ng teleserye kung ganito? Kaya naman, naghanda pa ng mas lalong maiinit na eksena ang mga nasa likod ng Little Star. Magdadagdag ng mas marami pang guwapong mga kaeksena si Lovi na mga macho talaga,   more titillating scenes - Lovi and Mark Anthony Fernandez.

“Kung sa kaseksihan lang naman, talagang ‘di hamak na mas seksi si Lovi kesa kay Shaina?” sey pa ng isang bagets na baklitang staff ng teleserye.

“Si Shaina, medyo may baby fats pa. Samantalang si Lovi, perfectly-curved and sculpted ang hugis ng katawan niya. Wala siyang baby fats, very slim and proportioned ang pangangatawan niya. At ang boobs niya, ha, sey mo, dumadagundong talaga!”

Pero hindi lang naman daw lahat kaseksihan ni Lovi ang ipinakikita niya. Mapapansin din daw ng lahat ang kagalingan ngayon sa pagganap ni Lovi.

Kung sabagay, gamay na gamay na sila ng direktor niya rito na si direk Maryo J. delos Reyes, kaya naman mas lalo pa ngayong lumalim ang pagi­ging isang aktres ni Lovi. 

* * *

Bongga ang gaganaping concert ng OPM Legend na si Ely Buendia.

Hindi sila magbebenta ng ticket. Imbes na magbenta, mamimili lang sila kung sino ang gusto nilang makapanood ng concert ni Ely na umaming ok na siya ngayon after ng atake sa puso.

Saka may mga doctor daw na nakabantay pag may concert siya kaya walang dapat ipag-alala.

Bilang pagdiriwang ng kanyang ika-40th birthday ang pagkakaroon ng solo concert ni Ely - Ely Buendia XL – Extra Live at 40 sa Republiq sa November 27, Saturday.

Pero hindi naman daw ito senyales na magso-solo na siya at iiwan na niya ang kanyang bandang Pupil.

In fact, kakanta raw ito sa kanyang XL concert at ang isa pa niyang bagong banda.

Exclusive sa GMA 7 ang nasabing concert ni Ely na ipalalabas sa Sunday Night Box Office sa December 12, 10:30 p.m.

* * *

Parami nang parami ang mga bigating humahanga kay Manny Pacquiao.

Napanood ko ang interview ng ABS-CBN Europe News Bureau na si Danny Buenafe kay Harry Potter (British superstar Daniel Radcliffe).

Yup si Daniel ng Harry Potter movie series na nagpo-promote ng bagong Harry Potter movie na Harry Potter and the Deathly Hallows Part 1.

Say nito sa interview : 

 “I can’t wait for the day Manny Pacquiao destroys Floyd Mayweather Jr. in the ring,” sabi ni Daniel sa interview ni Danny Buenafe.

“For Manny Pacquiao, I think you’re fantastic. I think you seem like an absolute gentleman as well as being an absolute warrior. So I’m pleased to be able to speak to you even if it’s through a camera,” sabi ng British superstar sa nasabing interview.

Mahilig daw kasi ito sa boxing at pinapangarap na makita si Pacman.

Naku panahon na talaga para gumawa ng international movie si Pacman. Ang dami na niyang tagahangang sikat na tulad niya.

Teka ano nga bang nangyari sa pelikulang pagsasamahan sana nila ni Sylvester Stallone?

Matutuloy pa ba ‘yun?

vuukle comment

DANNY BUENAFE

ELY BUENDIA

HARRY POTTER

LITTLE STAR

LOVI

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with