^

PSN Showbiz

John Lloyd tikom ang bibig sa relasyon nina P-Noy at Liz Uy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pelikula ng may mga title ang My Amnesia Girl ng Star Cinema na showing on November 24. Si John Lloyd Cruz ay Box-Office King, si Toni Gonzaga Queen of Comedy Movies at si direk Cathy Garcia-Molina ay Blockbuster Director.

May kissing scene sina John Lloyd at Toni na nang kunan ay namula raw ang actor, pero sabi nito dahil daw ‘yun sa basketball at hindi dahil nag-init siya sa kapareha. Nagbiro pa itong lipstick lang ni Toni na kumalat ang rason nang pamumula ng kanyang katawan.

Samantala, itinanggi ni John Lloyd Cruz ang tsikang break na sila ni Shaina Magdayao dahil sila pa rin at masaya sila sa kanilang relasyon. Hindi raw niya maintindihan kung bakit lagi silang nababalitang hiwalay na.

Ayaw namang mag-comment ni John Loyd sa relasyon diumano nina P-Noy at ex-GF niyang si Liz Uy dahil baka hindi ma-appreciate ang sasabihin niya. Inamin nitong matagal na silang hindi nag-uusap ng kanyang ex na posibleng maging First Lady.

* * *

Hindi apektado si Marian Rivera sa tuluy-tuloy na pang-ookray sa kanya ni Vivian Velez dahil opinion nito ang ipinahayag at nirerespeto niya at ‘di niya ito kilala ng personal. Ang manager ni Marian na si Popoy Caritativo ang may reaction, pero ‘di pa nati-text sa amin.

Mas apektado pa si Marian sa tsikang nag-walkout siya sa shooting ng Super Inday dahil nakitang mas maganda ang costume ni Pokwang kesa costume niya. Wala raw nangyaring ganun at hindi niya nakita ang unang costume dahil hinarang nina Roselle Monteverde-Teo at Manny Valera, pinapalitan dahil ‘di maganda.

Sabi ni Marian, hindi siya magwo-walkout dahil lang sa costume at ‘di aawayin si Pokwang at ibang kasama sa Super Inday dahil naging close siya sa mga ito. 

Mas lalalim pa ang friendship nina Marian at Pokwang dahil after Super Inday, sila uli ang magkasama sa remake ng Temptation Island na sisimulan ang shooting sa January next year. Makakasama nila sina Lovi Poe, Carla Abellana at isa pang aktres to complete the female cast.

Si Marian sa role ni Azenith Briones, si Lovi sa role ni Jennifer Cortez, si Carla sa role ni Bambi Arambulo at si Pokwang sa role ni Deborah Sun. Pinipili pa ang gaganap sa role ni Dina Bonnevie.

* * *

Sosyal ang Rosario, ang entry ng Cinemabuhay sa 2010 Metro Manila Film Festival at bida si Jennylyn Mercado dahil sa isang studio sa Burbank, California pa ginawa ang musical scoring at live scoring daw ito na hindi namin alam kung paano.

Sana nakabalik na si direk Albert Martinez sa scheduled presscon ng movie next week para ma-explain niyang mabuti kung ano ang live scoring at kung paano ang prosesong ito.                                                                                              

* * *

Naalala naming naglabas ng statement ang GMA Artist Center na nananatili sa kanila si Pierro Vergara, isa sa StarStruck V avenger dahil may exclusive contract ito sa kanila. Paglilinaw nila ito sa naglalabasang lili­pat sa ABS-CBN ang bagets.

Pero nabalitaan naming nag-pictorial at nag-plug shoot na si Pierro para sa Shout Out, ang daily show na ilo-launch ng ABS-CBN malapit na ma­lapit na. In fact, kasama raw si Pierro sa Tuesday group sa mala-That’s Entertainment show ng Ch. 2.

Isa lang daw ang isasagot ng kampo ni Pierro ‘pag pinigilan ng GMA Artist Center na lumabas sa Shout Out, na hindi siya binigyan ng show.

Twice lang yata namin siyang napanood sa Party Pilipinas at hindi na nasundan, eh puwede naman siyang isama’t kumakanta at naggigitara ito at puwede rin siya sa ibang show ng Channel 7.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ARTIST CENTER

DAHIL

JOHN LLOYD CRUZ

PIERRO

POKWANG

SHOUT OUT

SUPER INDAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with