Hindi ang media, P-Noy si Kris Aquino ang dapat sisihin
Seen : Late si Pokwang sa presscon ng Super Inday noong Lunes ng gabi dahil nanggaling pa siya sa Baguio City.
Scene : Ipinagluluksa ng entertainment industry ang pagpanaw kahapon ng madaling-araw ng talent manager na si Wyngard Tracy. Matagal nang na-confine sa ospital si Wyngard dahil sa stroke.
Siya ang manager nina Richard Gomez, House Representative Lucy Torres, John Estrada at Wendell Ramos.
Seen : Nag-sorry si Aiko Melendez sa kanyang Twitter account dahil napaaga ang kanyang tweet na namatay si Wyngard. Brain dead pa lamang si Wyngard nang i-tweet ni Aiko na sumakabilang-buhay ito.
Scene : Ngayong gabi ang concert promo tour ni David Archuleta sa SM Skydome para sa kanyang bagong album sa Sony Music.
Dumating kahapon sa Pilipinas si David.
Seen : Mga iPad ang pasalubong ni Congressman Manny Pacquiao sa kanyang mga anak. Babalik sa Pilipinas si Manny sa susunod na linggo.
SCENE : Ang kanyang kapatid na si Kris Aquino at hindi ang media ang dapat sisihin ni P-Noy sa pagkalat ng balita tungkol sa panliligaw niya kay Liz Uy.
Normal na pagpistahan ang lovelife ni P-Noy dahil siya ang pangulo ng Pilipinas.
SEEN : Hindi convincing ang explanation ni Claire dela Fuente na walang bus strike noong Lunes.
Si Claire ang presidente ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association at itinuturing na maimpluwensiya sa public transportation industry.
SEEN : Ang official photo ni Lucho Santos Agoncillo na ipinamigay sa press ng mag-asawang Judy Ann at Ryan.
- Latest