^

PSN Showbiz

Aiai, inis kay Heart!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda -

Isa ang Tanging Ina Mo, Last Na ’To sa mga kalahok sa dara­ting na Metro Manila Film Festival. Pinagbibidahan ito ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas at makakasama pa rin niya ang kanyang mga naging anak sa pelikula maliban kay Heart Evangelista.

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ni Ai Ai sa hindi pagsama ni Heart sa kanilang pelikula?

“Hindi naman masama ang loob ko kasi ’yung last na Tanging Ina ay hindi na rin naman siya kasali. Medyo kaunting inis, kaunting panghihinayang kasi lahat ng anak ko ay nag-effort para makasali.

“Kagaya ni Marvin Agustin, dahil taga-kabila na siya ay sumulat siya sa GMA para payagan siya, two times siyang sumulat para payagan siya at pinayagan naman siya. Si Yuki Kadooka naman, from Japan, inuubo ay pumunta dito sa Pilipinas para sa pelikula. Kasi ’yung mga demands ni Heart ay ibinigay naman ng Star Cinema,” seryosong pahayag ni Ai Ai.

Sa darating na Biyernes, Nov. 19 ay magkakaroon ng concert si Ai Ai sa Araneta Coliseum entitled Akin Ang Tronong Ito.

“Bago po kayo maubusan ng ticket, ang dami-daming bumibili, eto na po. Sana ay makapanood kayo, asahan po ninyo na ang trono ay mabubuhay, magkakaroon ng sariling buhay at magsasalita,” natatawang paanyaya pa ng Comedy Queen.

Luis gusto nang mag-asawa!

Noong nakaraang Linggo ay isang baguhan sa industriya ang sinasabing third party at na­ging dahilan ng paghihiwalay nina Luis Manzano at Angel Locsin, ang Cosplay Queen na si Alodia Gosiengfiao. Si Alodia ang makakasama ni Luis sa bagong show na L.O.L. o Laugh Out Loud.

Nagbigay na ng pahayag ang dalawa tungkol sa isyung ito at natuldukan na rin ang pagli-link sa kanila. Ngayon ay isang pangalan na naman ang lumutang at itinuturong totoong dahilan umano ng hiwalayang Luis at Angel, ang model-actress na si Maricar Reyes, dahil madalas silang magtawagan at magpalitan ng mga text messages dati.

“Ayaw ko nang sagutin ’yan, kasi kapag sinagot ko ‘yan ay madadagdagan na naman ‘yung isyu,” maikling pahayag ni Luis.

Ngayon ay may mga balitang gusto nang lumagay ni Luis sa tahimik.

“Whatever that is, na gusto ko nang lumagay sa tahimik. Sinasabi ko naman na may mga pangyayari sa buhay ko na ’di ko naman ini-expect and at the same time ay may mga hinihintay tayo then nare-realize natin, isa ’yun sa mga factors na (dapat) maayos lahat, na maplantsa lahat ’yun,” seryosong pahayag ni Luis. — Reports from JAMES C. CANTOS

AI AI

AI AI DELAS ALAS

AKIN ANG TRONONG ITO

COMEDY QUEEN

LEFT

LUIS

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with