Wyngard Tracy namaalam na!
Sad sina John Estrada, Wendell Ramos, at ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres dahil nawalan uli sila ng manager.
Nang mamatay si Douglas Quijano noong June 2009, si Wyngard Tracy ang pinili ng apat na artista para maging bagong manager nila.
Sa kasamaang-palad, namatay kahapon si Wyngard dahil sa stroke. Na-confine muna si Wyngard sa ospital nang matagal bago siya binawian ng buhay.
Nakikiramay ako sa mga naulila ni Wyngard, sa kanyang pamilya at mga alaga. As of presstime, wala pang statement ang mga talents ni Wyngard tungkol sa pagkawala ng kanilang manager.
* * *
Nabalitaan ko na naririto sa Pilipinas ang American singer na si David Archuleta pero walang ingay ang kanyang pagbabalik sa ating bansa.
Parang kulang sa publicity ang muling pagbisita ni David at maliit ang venue ng kanyang show. Malayung-malayo sa venue noon sa Mall of Asia Concert Grounds na talagang napuno ng tao.
Malalaman natin kung hot pa rin si David sa mga Pilipino o katulad siya ng ibang mga foreign artists na dinedma sa second trip nila sa Pilipinas. Ganyan kabilis magsawa ang mga Pilipino.
* * *
Na-bother ako sa balita na hindi nasipot ni Manny Pacquiao ang guesting niya sa TMZ sa US dahil masakit na masakit ang kanyang katawan na nabugbog nang husto sa laban nila ni Antonio Margarito.
Very professional si Manny. Hangga’t kaya niya, sumisipot siya sa mga tinatanggap na engagement pero para hindi niya puntahan ang TV guesting sa Los Angeles, talagang masama ang kanyang pakiramdam.
Inamin ni Manny sa mga interbyu na bumilib siya kay Margarito dahil tinapos nito ang kanilang laban kahit bugbog-sarado na ang Mexican boxer. Sinabi rin ni Manny na nahirapan din siya kay Margarito dahil sa stamina nito.
Kitang-kita sa TV na dusang-dusa si Margarito sa mga suntok ni Pacquiao pero tiniis niya ang lahat para ma-prove sa lahat na matatapang ang mga Mexican. Facial surgery ang kapalit ng katapangan ni Margarito dahil hindi ito nagpaawat.
* * *
Invited ako sa press launch ng pabango at relo ni Richard Gutierrez pero hindi ako pumunta dahil malayo ang lugar.
Nabalitaan ko rin na overacting ang traffic sa EDSA noong Lunes, kahit nag-strike ang mga bus.
Tatlo ang presscon noong Lunes kaya super lagare ang mga reporters. Hindi sila nagpaapekto sa traffic sa EDSA kaya nabigyan sila ng Red Gutz perfume ni Richard.
Usung-uso ngayon sa mga celebrities ang pagkakaroon ng perfume line at Bench ang manufacturer. May perfume line sina Piolo Pascual, Kim Chiu, Gerald Anderson, Jake Cuenca, Willie Revillame, at si Richard nga.
- Latest