^

PSN Showbiz

Phoemela nagbebenta na lang ng panahing makina sa TV

-

MANILA, Philippines - Oh hindi naman pala totally nawalan ng TV career si Phoemela Barranda. Natsugi man siya sa The Buzz at TV Patrol, may regular show pa naman siya. ‘Yun nga lang, sa Shop TV.

Yup, siya ang anchor ng Shop Live na ang ibinibenta ay makinang pantahi o sewing machine.

Mula sa pagbabalita tungkol sa mga artista at pagrampa sa mga fashion show, siya ngayon ay isang certified na nagbebenta ng makina.

Ano nga bang nangyari kay Phoemela?

Bakit nga ba siya nawalan ng trabaho sa Kapamilya Network?

Maganda naman siya at hindi naman magulong mag-host. Minsan lang talaga, parang wala siya sa sarili na parang natataranta habang nasa harap ng kamera.

Pero teka, totoo kayang lumaki na kasi ang ulo niya kaya siya tsinugi sa mga programang kasama siya?

Wawang Phoemela. Di ba, demotion ‘yun sa kanya?

Imagine from ABS-CBN to Shop TV na limitado lang ang mga nanonood.

Sayang ang kanyang ganda.

Mag-asawa na lang kaya siya ng mayaman para ma-vindicate siya.

I’m sure marami siya d’yang manliligaw.

May kilala akong congressman na nanligaw sa kanya noon. Pero hindi naging sila. Sumuko si Cong. Dahil hindi na rin daw ito naka-relate sa lifestyle ng TV host/model.

*    *    *

Speaking of Phoemela, ang ipinalit sa kanya sa TV Patrol na si Gretchen Pullido ay may kakambal na intriga ngayon. Ginagawan siya ng issue na flirt daw siya at madalas ay nakiki­paglandian sa mga ini-interview niya.

Pero in fairness kay Gretchen kahit ginagawan siya ng issue, hindi niya pinatulan ang isang TV host na sinubukan siyang hipuan at dyowain. Hindi nakaporma sa kanya ayon sa isang super credible na source ang nasabing may pagkamanyakis na host. Talagang hindi raw nakaisa ang bastos na TV host kay Gretchen.

Seksi-seksihan lang daw ang image ni Gretchen pero hindi ito easy to get.

*    *    *

Mukhang bobongga ang career ni Georgina Wilson, girlfriend ni Borgy Manotoc.

May plugging na ang gagawin niyang programa sa Star World channel.

Mukhang ipu-push siya sa isang programa ng nasabing cable channel.

Balitang na-impressed ang ilang bossing sa style of hosting ni Georgina sa isang event kamakailan kaya pinalipad ito sa Singapore.

*    *    *

May update si Dra. Vicki Belo sa condition ni Mommy Dionisia matapos itong himatayin pagkatapos ng laban ng anak na si Cong. Manny Pacquiao sa Dallas the other day.

Tweet ni Dra. Belo : Mommy dionisia has a chronic heart condition in which her heart stops beating for awhile. That’s why she usually doesn’t watch Manny’s fights because she gets too stressed. Her doctor said she could watch this time but it was too much for her to watch her son get hit. Such is a mothers love for her son.

“Mommy had a ct scan because she felt throbbing pain on right side of her head. She was feeling very weak until a suprise visitor appeared to cheer her up. Mr. Derek Ramsay. Her eyes lit up and gave a big smile.”

vuukle comment

BORGY MANOTOC

DRA

GEORGINA WILSON

GRETCHEN

GRETCHEN PULLIDO

KAPAMILYA NETWORK

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with