^

PSN Showbiz

Liz kapalaran ang ma-link sa maninipis ang buhok?

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagbubunyi ang mga Pilipino sa buong mundo dahil nanalo si Congressman Manny Pacquiao sa laban nila ni Antonio Margarito.

As usual, walang trapik kahapon sa Metro Manila dahil lahat eh nakatutok sa kanilang TV set dahil ayaw nilang ma-miss ang bakbakan nina Pacquiao at Margarito.

Pinanood pa rin ng mga Pinoy ang delayed telecast nang pakikipagsalpukan ni Pacquiao sa Mexican boxer kesehodang alam na nila ang resulta ng laban.

Guwapung-guwapo si Margarito nang umakyat sa stage pero halos hindi na siya makilala nang matapos ang 12 rounds dahil magang-maga ang kanyang mukha.

 Wala namang kagalus-galos ang face ni Manny as in parang nasa training lamang siya. Ipinakita sa TV si Jinkee Pacquiao pero hindi ko na-sight si Mommy Dionisia na first time na nanood ng live sa laban ng kanyang anak. Knowing Mommy D., tiyak na tuwang-tuwa ito sa bagong tagumpay ni Manny at sa karangalan na ibinigay nito sa ating bayan.

*    *    *

Bidang-bida sa Dallas Cowboys Stadium si Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson. Sosyal si Papa Chavit dahil talagang nasa ibabaw siya ng stage nang umakyat si Manny.

Kitang-kita si Papa Chavit sa TV dahil naka-focus sa kanya ang camera. Si Papa Chavit ang No. 1 supporter ni Manny at wala pa siyang na-miss na laban ng Pambansang Kamao. I’m sure, daan-daang dolyares uli ang napanalunan ni Papa Chavit sa pustahan.

*    *    *

Pre-empted ng Pacquiao-Margarito fight ang dalawang Sunday shows ng GMA 7. Past 4 p.m. nang matapos ang delayed telecast ng Kapuso dahil sa sangkatutak na commercial loads.

Mabuti na lang, natapos ang 12 rounds ng laban dahil kung hindi, mahihirapan ang network na i-stretch ang airing time gaya ng nangyari noon sa laban nina Pacquiao at Ricky Hatton na tumagal lang ng dalawang rounds.

Dumanas ng depression si Hatton dahil sa kahihiyan na inabot niya sa kamay ni Pacquiao. Nalulong siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot dahil hindi siya naka-recover sa pagkatsugi ng kanyang boxing career.

*    *    *

Correct ang report ni Ricky Lo sa The Philippine Star na aaminin na ni P-Noy na idine-date nito si Liz Uy.

Umamin si P-Noy sa mga media members na kasama sa kanyang biyahe sa Japan. Inamin ng pa­ngulo ng Pilipinas na “dating” sila ng kanyang fashion stylist.

Kontrobersiyal ngayon si Liz dahil pinopormahan siya ng pinaka-powerful na mhin sa Pilipinas. Pero hindi stranger ang stylist sa pagkakaroon ng sikat na boyfriend dahil maraming taon din ang ibinilang ng relasyon nila ni John Lloyd Cruz. Kapalaran yata ni Liz ang mga lalaki na hindi makapal ang buhok.

*    *    *

Award presenter sa Star Awards for TV noong Sabado si Dr. Hayden Kho, Jr. Visible uli si Hayden sa mga showbiz events dahil ipino-promote niya ang kanyang Hayden Perfume. Hindi talaga niya basta matatalikuran ang showbiz dahil malaki ang maitutulong nito sa kanyang perfume business.

Kung hindi dahil sa showbiz, hindi masyadong iingay ang name ni Hayden.

ANTONIO MARGARITO

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DAHIL

DALLAS COWBOYS STADIUM

PACQUIAO

PAPA CHAVIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with