Karen Davila dawit sa demanda ni Katrina Halili
Naniniwala ako sa sinabi ni Valenzuela City Councilor Shalani Soledad na wala siyang anak. Itinuwid ni Shalani ang paninira sa exclusive interview sa kanya ni Ricky Lo na lumabas kahapon sa Startalk.
Kahit walang katotohanan ang tsismis, na-hurt pa rin si Shalani dahil hindi siya sanay sa mga intriga. Wala siyang kasalanan para siraan. Nagkataon lang na nagkaroon sila ng relasyon ni President Noynoy Aquino.
May suspect ako sa nagkakalat ng tsismis na may anak sa pagkadalaga si Shalani. Tao siya at inggit na inggit sa beauty ng ex-dyowa ni P-Noy.
* * *
Walang Party Pilipinas ngayon dahil ang boxing match nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito ang mapapanood sa GMA 7.
Apektado rin ang Showbiz Central dahil isang oras lang ang airing nito pero tiyak na may live phonepatch interview sila kay Manny.
Hindi ang paghaharap nila ni Margarito ang huling laban ni Manny. Malinaw ang sagot ni Manny na “hindi” nang itanong kung last fight niya ang laban nila ngayon ng Mexican boxer.
Kung ako ang tatanungin, gusto ko na matapos agad ang laban nina Manny at Margarito. Tama ang sabi ni Manny na kailangan niyang tapusin agad ang laro para hindi siya masingitan ng kanyang kalaban.
Type ko rin na mag-retiro na si Manny sa boxing dahil panahon na para i-enjoy niya ang kanyang bilyones. Wala nang dapat patunayan si Manny sa larangan ng boxing.
* * *
On leave si Karen Davila sa ABS-CBN mula nang mawala sila ni Julius Babao sa TV Patrol pero sinusundan siya ng isyu.
Ipapatawag si Karen sa hearing ng libel case na isinampa ni Katrina Halili laban kay Irene Kho dahil siya ang nag-interbyu noon sa madir ni Hayden na sanay na sanay na rin na humarap sa mga TV camera at nagpapainterbyu na rin.
Idinemanda ni Katrina ng libel ang eksenadorang nanay ni Hayden dahil sa dialogue nito na siya (Katrina) ang nagturo kay Hayden na gumamit ng illegal drugs.
* * *
Daig ng maagap ang masipag kaya magpapatawag agad si Mother Lily Monteverde ng presscon para sa Super Inday and the Magic Bibe.
Ang Super Inday ang filmfest entry ng Regal Entertainment Inc. at bida ng pelikula si Marian Rivera.
Si Jake Cuenca ang leading man ni Marian sa remake ng blockbuster movie noon ni Maricel Soriano na ang Regal Films din ang produ.
Seksing-seksi si Marian sa costume niya bilang Super Inday. Ewan ko lang kung isusuot ni Marian ang kanyang costume sa parada ng mga artista sa Roxas Boulevard sa December 24.
- Latest