Dolphy nag-sorry kay P-Noy!
Noong Huwebes ay pormal nang inilunsad ang second album ng Comedy King na si Dolphy na may titulong Pidol : A Lifetime of Music and Laughter.
Hindi talaga matatawaran ang galing ni Dolphy kaya tinitingala siya ng lahat pagdating sa komedya. Isa rin siya sa pinakamahahalagang haligi ng industriya, kaya noong Lunes ay isang parangal ang iginawad sa kanya sa Malacañang Palace ni Presidente Noynoy Aquino, ang Grand Collar of The Order of The Golden Heart.
Naikuwento ni Mang Dolphy sa amin sa SNN (Showbiz News Ngayon) na humingi siya ng paumanhin sa ating presidente dahil si Manny Villar ang sinuportahan niya noong nakaraang eleksiyon.
“Nag-sorry ako sa kanya sa nakaraang eleksiyon, sabi niya sa akin, ‘wala iyon,’ napakabait pala nito,” nakangiting kuwento ng Comedy King.
Isa pang prestigious award ang maaaring tanggapin ni Dolphy sa mga darating na araw, ang National Artist Award.
“Na-approve ng buong council ’yung National Artist ko. ’Yung mga Lion nagpapasok sila ng manok nila. Kung bibigyan ako ng National Artist ay okay lang, kahit ’di ako mabigyan at least ’yung natanggap ko sa Malacañang ay ako lang ang mayroon na buhay pa,” nakangiting pagtatapos pa ni Dolphy.
Toni makikipagbati na kay Mariel
Lumipas ang intriga sa pagitan nina Mariel Rodriguez at Toni Gonzaga nang magpunta ang una sa India kasama ni Robin Padilla. May mga naglabasang balita na magkakaayos na sina Toni at Mariel dahil ito ang Christmas wish ni Toni.
“Siguro in general na lang kasi, as much as possible ngayon dahil tapos na lahat. Huwag nang balikan and we’re all looking forward to sa magandang pagtatapos ng taon. So, huwag na muna nating balikan ang masasakit, negativity, let’s focus on the positivity,” seryosong pahayag ni Toni.
Manunumbalik na kaya ang magandang pagkakaibigan ng dalawa?
“Yes, positive! Only positivity! Let’s give love on Christmas day,” nakangiting dagdag pa ni Toni.
Sa susunod na Linggo ay tinatayang magbabalik na si Mariel sa bansa, handa na kaya si Toni na harapin ang kaibigan?
“Huwag muna nating pag-usapan ngayon, pagkatapos na lang ng Amnesia Girl,” reaksiyon ni Toni.
“Maraming masasakit na pangyayaring hindi maganda na nagdulot sa atin ng sama ng loob this year, iwan na lahat and next year ay salubungin na bagong taon na masaya, bagong pananaw sa buhay, maligaya.”
— Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest