^

PSN Showbiz

Umamin, Mo importante sa buhay ni Rhian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Magre-react na naman nito ang Rhian Ramos haters dahil after Ilumina, may next project na siya sa GMA 7, this time, hindi siya aarte, kundi magho-host ng isang bagong show ng network na ayaw pang pangalanan. Manghula na lang tayo pare-pareho!

Nang pinapanood ang finale AVP ng Ilumina, saka lang na-realize ni Rhian na maganda pala ang kanilang soap na hindi niya napapanood sa rami ng trabaho. Sa final week next week, guests sina Carla Abellana at Bianca King at maraming twist ang mapapanood.

Nakatikim din ng harness si Rhian at nagka-muscle rin siya sa pagbitbit ng payong na mabigat pala dahil gawa sa leather.

Nahilo man sa paliwanag, inamin na rin ni Rhian ang panliligaw sa kanya ni Mo Twister at matutuwa si Mo dahil nagawan ng paraan ni Rhian na maipaayos ang regalo nitong cashmere house robe worth P50,000 na kinain ng kanyang aso.

“If ever matuloy ito (ang panliligaw ni Mo), first time na friends muna kami, kaya kilala na namin ang isa’t isa. Alam na niya kung baboy akong kumain, kung nagpapa-cute ako at ganun din siya sa akin. Maganda na inamin niya ang panliligaw sa akin, pero pareho pa rin ang chances niya kundi siya uma­min. Alam ko na ugali niya at mabait siyang tao,” sabi ni Rhian kay Mo who is 10 years older than her.      

*    *    *

Low-batt si Glaiza de Castro nang bisitahin namin sa taping ng Grazilda sa Bitbit River sa Norzagaray, Bulacan. Ang bagong costume at stress ang inirason pero nang pinakain namin ng dala naming Starbucks cake at after malagyan ng sugar ang katawan, sumigla na ito.

Bagong makakapareha ni Glaiza si Daniel Matsunaga at may fight scene ang mga eksena nila. Iniisip na nito ang gagawin dahil mabigat ang costume niya at hahawak pa ng sandata.

Isa sa struggle ni Glaiza sa Grazilda ang sinaunang pagsasalita ng Tagalog na kailangang bantayan na maging consistent ang tono niya. Minsan may adlib pa si direk Dominic Zapata. Sarili niya palang idea ang tono na ginagamit sa soap at naisip niya ito habang binabasa palang ang script.

Anong masasabi niya kay Daniel?

“Natutuwa ako sa kanya at ang cute niyang magsalita lalo na ‘pag Portuguese ang salita.”

Kinumpirma na ni Glaiza na gagawin ang remake ng Aswang na unang ginawa ni Alma Moreno.

*    *    *

Bagay na walking doll ang role ni Jillian Ward sa Christmas serye ng GMA 7 na wala pa ring title. Excited na raw ang bagets na muling mag-taping at hindi nagreklamo nang i-body cast na kailangan, pero ‘di namin naitanong kung saan gagamitin. 

Sa November 18 na sisimulan ni direk Mark Reyes ang taping ng Christmas serye na seven-week tatakbo. Kasama ni Jillian sina Claudine Barretto at Wendell Ramos sa role ng mag-asawang mahirap at Michael V sa role ni Santa Claus.

*    *    *

Masinsinang nag-uusap sina Rochelle Pangilinan and rumored BF Arthur Solinap nang madatnan namin sa thanksgiving dinner/presscon ng Ilumina. Nang tanungin sa kanilang relasyon, hindi pa rin sumagot ng deretso si Rochelle.

Magkasama sila sa Ilumina, pero hindi sila partner at magkalaban pa nga dahil puting sorsera si Rochelle at itim na sorsero naman ang BF.

Nilinaw ni Rochelle na si Joy Cancio pa rin ang kanyang manager at naiintindihan niya ang ibang kasama sa Sexbomb kung umalis sa poder ng manager at pumirma sa iba.

Naiintindihan din niya si Joy kung nag-aalala ngayong wala ng Daisy Siete dahil marami itong binubuhay na tao

vuukle comment

ALAM

ALMA MORENO

ARTHUR SOLINAP

GLAIZA

ILUMINA

NIYA

RHIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with