Kapuso Stars dinumog sa Dumaguete at Camiguin
MANILA, Philippines - Napuno ang mga venue sa pagdagsa ng libu-libong fans sa mga Kapuso Night na ginanap kamakailan sa pagdiriwang ng Buglasan Festival ng Dumaguete at Lanzones Festival ng Camiguin.
Sa Camiguin, dinumog ng may 15,000 katao na ginanap sa Camiguin Tourism Center.
Walang humpay ang hiyawan nang humataw na ang tinaguriang Bad Boy of the Dance Floor na si Mark Herras.
Sina Joross Gamboa at beauty queen Anna Maris Igpit ng GMA Cebu naman ang naging host ng programa, kung saan nagkaroon ng mga fun games at namigay ng limited GMA merchandise.
Ang very hyper and explosive Party Pilipinas tandem naman nina Geoff Taylor at Frencheska Farr ay bumirit ng mga popular hit.
Halinhinan naman sa pagbibigay saya ang Celebrity Castaways ng Survivor Philippines.
“This is our first time to join the annual Lanzones Festival, and we are simply humbled and overwhelmed with the very warm welcome that the people of Camiguin have given us,” sabi ni Jocelyn Bautista, Program Manager for Regional Entertainment TV.
Samantala, matapos ang matagumpay na Kapuso Night sa Camiguin, ang regional team ay tumungo naman sa Dumaguete City para sa Buglasan Festival ng Negros Oriental.
Naging bahagi ng Buglasan Parade ang Kapuso Float kung saan sumakayang mga bida ng Grazilda.
Pumarada ang Grazilda float sa main streets ng Dumaguete kung saan may 25,000 katao ang nanood.
Ang Kapuso Night, na ginanap sa Sidlakang Negros Village ay star-studded din, lalo na’t dumating pa ang Survivor Philippines Celebrity Showdown host na si Richard Gutierrez.
Ang Koreana lead stars na sina Kris Bernal and Steven Silva ay nakisaya rin kasama si Geoff Taylor. Tinatayang 15,000 tao ang pumuno naman sa venue ng Kapuso Mall Show.
- Latest