^

PSN Showbiz

Troy Montero nakakaladkad sa lupit ng intriga kay Aubrey

- Veronica R. Samio -

Bagaman at itinuturing siyang isa sa kakaunting ma­galing na aktor ng Kapuso network, proud na proud si Dennis Trillo sa husay na ipinamalas ng kan­yang girlfriend na si Jennylyn Mercado sa Rosario na magkasama nilang ginawa para sa MMFF. Pero hindi lamang ang husay nito sa pag-arte ang nakita sa Rosario kundi ang angking kaseksihan ng aktres.

Magkasabay nilang pinanood ang rushes nito at talaga namang walang masabi ang aktor sa ganda ng performance ni Jennylyn. Maging ang napakaiinit na love scenes at kissing scenes nito ay kinalugdan niyang panoorin at wala siyang naramdaman ni anumang selos, bagkus pinuri niya ang direktor sa magandang execution nito ng mga maselang eksena.

Samantala, hindi maiwasang hindi mag-alala ni Den­nis sa kalagayan ng kalusugan ng GF mula nang i-rush ito sa ospital lalo’t wala halos pahinga ang girlfriend.

Pagod at stress ang nagtulak para i-rush ito ng ospital. Bagaman at alam naman niya na may sakit ang gf sa puso hindi niya batid ang kalubhaan nito. Pa­lagi siyang nakaalalay kay Jennylyn, nagpapaalala sa pag-inom nito ng gamot at ang pagre-relaks kapag may trabaho ito.

* * *

Sa ginanap na launching ng ABS-CBN Christmas campaign, isang napaka­ganda’t nakabibighaning Kelly Misa ang namataang masayang-masaya sa kanyang nalalapit na kasal sa non-showbiz fiancé na si Carlos Fernandez.

Maliban sa kanyang napipintong pagpapakasal na pinaplano niyang payak na idaos sa isang beach, abalang-abala rin si Kelly sa kanyang kaliwa’t kanang ap­pearances sa TV at print media. Hindi alam ng iba na beauty columnist din si Kelly sa isang broadsheet, regular na nagbibigay ng pinakabagong beauty tips.

Inamin din ni Kelly na sobrang ikinalulugod niya ang makatrabaho sa kauna-unahang pagkakataon ang award-winning actor na si Aga Muhlach sa M3. Aniya, nakatutuwang isipin na sa kabila ng pagiging sikat na sikat ng aktor, nanatili pa rin itong mapagpakumbaba.

* * *

I symphatize with Troy Montero na para sa promosyon ng Survivor ay kaila­ngang maintriga ang relasyon nila ni Aubrey Miles. Buti na lamang at maliit pa ang anak nila, hindi pa nito mararanasan ang gulo at lupit ng showbiz sa mga ma­gulang na katulad nila na parehong artista.

Intrigahin ba naman si Aubrey at bigyan ng kulay ang pagiging close nito sa ka-alliance niyang si Ervic Vijandre. Masyadong hardsell at unfair. Buti na lamang at sa mga interviews sa mga Castaways sinasabi ng ex ni Marian Rivera na aware siya sa relasyon nina Aubrey at Troy, katunayan close siya kay Troy at itinuturing niya na isang “ate” lamang si Aubrey.

* * *

 Marami ang nakakaalala sa sinabi ni P-Noy na wala siyang oras para sa mga personal na pakikipagrelasyon, eh bakit daw parang siya ang unang kumokontra sa kanyang sinabi dahil ngayon ay balitang ikakasal na siya? Pero ito ba ang punto? O baka naman ayaw lang ng marami na mag-asawa at this point si P-Noy dahil lubhang napakarami ng problema ng bansa at makakaagaw lamang ng atensiyon at konsentrasyon niya ang sinumang mapapangasawa niya o makarelasyon kaya.

Sabihin nang may pagka-maramot ang tao pero ang maliwanag na punto na itinatawid nila ay ayaw nilang mag-asawa ito o kaya naman, hindi sila boto sa kanyang stylist na si Liz Uy na sinasabing pakakasalan niya.

AGA MUHLACH

AUBREY

AUBREY MILES

BAGAMAN

BUTI

CARLOS FERNANDEZ

DENNIS TRILLO

NITO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with