^

PSN Showbiz

Pip maglaladlad na ng kabaklaan!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Na-inspire yata ang GMA 7 sa napakagaling na per­formance ni Robert Arevalo sa Magkaribal kung kaya, si Tirso Cruz III naman ang pagaganapin nila ng isang gay role sa bagong serye ni Regine Velasquez. Katulad ni Robert, I’m sure Pip will do his job with flying colors. Ganun kagagaling ang ating mga sen­ior stars na kahit bak­la ang mga roles at walang masyadong movements ng kamay at katawan, pero may mababakas kang kabaklaan.

Pero medyo matsa-challenge si Pip dahil mag­susuot siya ng mga high heels, ‘yun nga lang clo­set queen yata siya sa series, guy during the day and gay at night.

Tingnan nga natin kung gaano kahusay mapu-portray ni Pip ang kanyang role.

* * *

Bakit bigla, ang daming naglilitawang artista na naka-relasyon diumano ni P-Noy? Of course, hindi na sikreto ‘yung naging ugna­yan nila nun ni Korina Sanchez, matagal bago pa naging sila ni Mar Roxas. Batid ito ng marami. Katunayan, marami nga ang naghina­yang na hindi naging sila.

Pero ginulat ang marami sa naging pahayag ng dating taga-That’s Entertainment at dating dyowa ni Ace Espinosa na si Maricel Morales na nagkaroon din sila ng episode ng Pangulo. Hindi naman daw naging sila, pero nagparamdam daw ito sa kanya.

Ngayon, ang sexy starlet naman na si Barbara Milano ang lumitaw at nagpahayag ng kanyang paghanga sa magandang pagtanggap ng kapareho niyang konsehala (konsehala sa Nueva Ecija si Barbara) na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad ng kanyang break-up sa presidente. 

* * *

Eh ano naman kung mag-claim ang mga networks na sila ang nangunguna sa ratings? Eh kung ito naman ang report sa kanila ng kinuha nilang mga researchers o taga-survey. Kanya-kanyang survey lang ‘yan. Na­kakatuwa nga kung ang lahat ng network ay pinapanood, eh ‘di buhay lahat ng nagtatrabaho sa mga istasyon ng TV, ‘di lamang ang mga artista kundi maging ang nga simpleng manggagawa sa produksiyon.

Ako, naniniwala na wala sa pataasan ng ratings ayon sa survey ang labanan, nasa pagandahan ‘yan ng programa.

Sabihin mo mang nasa top position ang network mo pero mas maraming magagandang programa ang napapanood sa mga kalabang istasyon, talo ka pa rin.

Hindi naman monopolisado ng iisang istasyon ang magagandang programa.

Again, wala sa ratings ang labanan, nasa pagandahan ng programa. Dito tayo maglaban-laban.

* * *

Sa mga fans ni Rocco Nacino, wala naman pala silang dapat ipag-alala, hindi naman pala ganun ka-grabe ang naging pinsala sa mga mata niya na tinamaan ng suntok ni Susuki sa isa sa mga eksenang bakbakan nila sa Koreana. Madaling gaga­ling ang blood clot niya sa tulong ng gamot.

Ngayon ibayong pag-iingat na ang gagawin niya tuwing may fight scenes siya.

Ordinaryo na ang mga ganitong aksidente sa shooting o taping. Walang dapat ikagalit si Rocco sa nangyari sa kanya. Sa mga susunod niyang eksena, matatantiya na nila ang routine nila, kailangan lamang ng masusing pagsasanay at rehearsal bago sila su­mabak sa eksena.

vuukle comment

ACE ESPINOSA

BARBARA MILANO

KORINA SANCHEZ

MAR ROXAS

MARICEL MORALES

NAMAN

NGAYON

NUEVA ECIJA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with