Jolina hindi inggit sa anak ni Juday
‘Yung pagpaparangal sa Hari ng Komedya sa Pelikula’t Telebisyon na si Dolphy na hindi nagawa sa kanya ng gobyerno bilang isang National Artist ay naigawad din sa kanya kahapon ni Pangulong Benigno S. Aquino III o P-Noy sa Malacañang.
Tinanggap ni Dolphy ang Golden Heart Award na ibinibigay sa mga Pilipino o kahit mga banyaga na nakapaglingkod sa bayan, nagbigay ng tulong na pera at iba pang materyal na tulong para sa ikauunlad ng kundisyon ng mga mamamayang Pilipino.
* * *
Kahit anong pang-iintriga ang gawin ng press para mainggit si Jolina Magdangal sa kasabayan niyang si Judy Ann Santos na sinasabi nilang napag-iwanan na siya ng milya-milya dahil nag-asawa na ito’t nagsilang na ng kanilang panganay ni Ryan Agoncillo ay bigo sila, hindi kinagat ni Jolina ang bitag nila.
“Bakit naman ako maiinggit? Una-una lang ‘yan pero darating din ako diyan, malapit na ang time ko,” paliwanag ng dalagang masaya naman sa kanyang pagiging isang dalaga pa, lalo’t mayroon naman isang nagmamahal sa kanya na marahil ay naghihintay lamang ng tamang panahon para amukin siyang magpakasal.
Bukod sa sinalubong siya nito ng isang halik sa pisngi nang siya ay dumating sa kanyang birthday party, ikinasiya rin ni Jolens ang pagdating ng boyfriend niyang si Mark Escueta ng maaga sa lugar na pinagdausan ng kanyang party para pamahalaan ang pag-aayos ng kanyang photo exhibit.
“Mas siya ang nakakaalam kung ano ang gagawin sa mga photos, kung aling mga larawan ang pagsasama-samahin dahil isa rin siyang photographer,” pagmamalaki ng dalaga na umaming tumuntong na siya sa edad 30 pero ayaw pa niyang madaliin ang paglagay sa tahimik. Pero obviously, kinikilig siya dahil halos ayaw bitawan ng kanyang boyfriend ang kanyang kamay simula nang dumating siya. He only let go of her nang simulan na si Jolina na interbyuhin ng press.
* * *
Tuloy na ang 58th FAMAS Awards Night sa pamumuno ng pangulo nitong si Eloy Padua.
Magaganap sa Nobyembre 13, 6:00 ng gabi, sa Teatro GSIS, Macapagal Ave., Pasay City.
Ang talaan ng kanilang mga special awardees ay ang mga sumusunod:
Presidential Awardee - Herbert Bautista
Lifetime Achievement Award - Rustica Carpio Lou Salvador Sr., Memorial Award - Lou Veloso; Fernando Poe, Jr. Memorial Award - Ronnie Ricketts
Dr. Jose Perez, Jr. Memorial Award - Dennis Aguilar
Flavio Macaso Award - Ninoy Sofranes
Golden Artist Award - Sharon Cuneta
German Moreno Achievement Awards -
Joshua Dionisio, Barbie Forteza,
Jake Vargas, Bea Binene, Andi Eigenmann, Matteo Guidicelli, at Enchong Dee.
Special Citation Award as an Artist for Film si Celso Ad. Castillo
Arturo M. Padua Memorial Award - German Moreno
Hall of Fame si Albert Michael Idioma
Prestige Award of Distinction - Prof. Domingo G. Landicho, Ph.D
Exemplary Achievement Award - Dolphy.
- Latest