Maja nagka-partner sa Sun
MANILA, Philippines - Nagkaroon ng malakas na communication partner si Maja Salvador sa Sun Cellular.
Ang young actress ang napili para sa pinaka-kumpletong produktong kombinasyon na P10 Call and Text Combo (CTC 10) dalawang taon na ang nakakaraan. Dahil sa pagpapareha ng dalawa — ang Sun Cellular at ni Mja — instant hit ang infomercial. Ngayon, ang P10 Call and Text Combo pa rin ang lifesaver ni Maja. Ito ang nakakasalba sa kanya sa pakikipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya kapag busy at hindi makaalis sa trabaho nang hindi nasasagad ang bulsa.
“Iyon ang favorite Sun product ko,” napangiti si Maja. “Tinuruan ako ng pamilya ko na maging praktikal, kaya ang P10 Call and Text Combo appealed to me in the first place. Super sulit at affordable pa! Imagine, for just P10, I can make Sun-to-Sun calls for 10 minutes, send 40 Sun-to-Sun texts, and utilize 10 texts to other networks without changing my SIM?”
Ang Sun combo ang ginagamit ni Maja na pantawag sa kanyang manager para sa kanyang daily itinerary. “Nanay Neneth and I hold meetings over the phone to save time and effort,” sabi ni Maja.
Masaya rin siya sa broadband services ng Sun. “I use it to stay updated with my online accounts. I bring it with me during my provincial tours. Kahit nasaan talaga ako, I get to check my social networking accounts,” dagdag pa ng aktres.
Ang mga Call and Text Combo products ay makukuha gamit ang XpressLoad, Call Cards, o Load Conversion. I-text lang ang CTC 10 sa 247 para ma-convert ang load sa P10 Call and Text Combo.
- Latest