^

PSN Showbiz

Lee Min Ho nagbalik na isang bading!

-

MANILA, Philippines - Kinakiligan siya bilang misteryoso at makisig na si Gu Jun Pyo sa phenomenal Korean idol drama na Boys Over Flowers at ngayon, muli niyong kahuhumalingan si Lee Min Ho sa kanyang naiibang pagganap bilang Gino, isang guwapo, matipuno, at talaga namang bonggang bading!

Magbabalik sa primetime ang tinitiliang Asianovela Superstar katambal ang Queen of Drama ng Korea na si Son Ye Jin sa inaabangang romantic-comedy na Perfect Match sa ABS-CBN simula Lunes (Nov 8).

Sundan ang kuwento ng mahusay at perfectionist na arkitektong si Gino na sasailalim sa isang misyon— ang pasukin ang isang bahay para magsilbing inspirasyon sa kanya sa isang kumpetisyon. Para magawa ito, kinakailangan niyang, magpanggap bilang isang bading at makitira sa naturang bahay.

Dito makakaharap ni Gino at pakikisamahan si Julienne, isang babaeng sawi sa pag-ibig at anak ng tanyag na designer na may likha ng bahay na inaaral niya. Kung mahirap na para sa binata ang magpanggap na isang bakla, tila mas hihirap ang kanyang misyon sa mga gulo at kalbaryong papasukin niya dala ng dalaga.

Sa pagsasaluhang mga karanasan, lalalim ang kanilang samahan kaya naman ang mag-roommates ay magiging mag-best friends. Tumaas pa kaya ang relasyong ito sa lalo nilang pagkakakilala sa isa’t isa? Ang perfect friends, maging perfect lovers din kaya?

Huwag palalampasin ang Perfect Match simula Lunes (Nov. 8), pagkatapos ng Martha Cecilia’s Kristine sa mas umiinit na Primetime Bida ng ABS-CBN.

ASIANOVELA SUPERSTAR

BOYS OVER FLOWERS

GINO

GU JUN PYO

ISANG

LEE MIN HO

MARTHA CECILIA

PERFECT MATCH

PRIMETIME BIDA

SON YE JIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with