^

PSN Showbiz

Alessandra kinarir ang pagkain ng pancit canton

-

MANILA, Philippines - “Lies, lies...black propaganda:) dwar­fina is tuloy:) careful heartworld what you read these days:) don’t react. smile:) God is good;)” tweet ni Heart Evangelista tungkol sa mga naglabasang issue na hindi na muna matutuloy ang programa niya sa GMA 7.

Pero balitang insider ng GMA 7 ang nagkuwento tungkol sa nasabing issue kaya may basehan ang mga nagsulat.

* * *

Si Alessandra de Rossi naman, kinarir ang pagkain ng pancit kanton kahapon porke’t nasulat ang ‘tsismis’ ni Kris Aquino na sa kanyang sobrang pagtitipid eh halos instant pancit canton na lang ang kinakain nito.

Magkasama ang dalawa sa syuting ng pelikulang Dalaw.

Kahapon sa kanyang twitter account, nag-post pa siya ng photo na lumalantak ng nasabing instant pancit canton.

Actually, puwedeng-puwede siyang endorser ng isang brand ng instant pancit na ‘yan. At least siya, sure na sure na kinakain niya.

Ibinuko ni Kris na panay ang kain ni Alessandra ng pancit canton dahil sa pagtitipid dahil may binabayaran itong bahay at lupa.

Kung sabagay wala namang masamang kumain ng comfort food like instant pansit.

* * *

Tahimik na tahimik si Karen Davila sa Twitter. Samantalang dati naman, panay ang update niya sa mga nangyayari sa kanya.

Mukhang may semblance of truth ang issue na sumama ang loob niya nang kausapin siyang ililipat sa Bandila from TV Patrol.

Consistent din ang issue na umano’y nakipag-negotiate siya sa TV5 dahil bossing doon ang asawa niyang si DJ Sta. Ana.

Kung matutuloy ang paglipat niya sa TV5, ibig sabihin, nalibot na niya ang GMA, ABS-CBN at heto nga sa TV5.

Dati ring taga-ABS-CBN si DJ bago ito napunta sa TV5.

ALESSANDRA

BANDILA

DALAW

DATI

HEART EVANGELISTA

IBINUKO

KAHAPON

KAREN DAVILA

KRIS AQUINO

MAGKASAMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with