^

PSN Showbiz

Dahil kay Vicki Belo, 'Free publicity ng nanay ni Hayden stop muna'

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Love ko si Dra. Vicki Belo kaya pagbibigyan ko ang kanyang lambing na huwag ko nang isulat si Irene Kho, ang madir ni Hayden Kho, Jr. na mega-react sa mga column ko rito sa PSN, kahit in jest ang aking mga isinusulat.

In fairness to me, nagre-react lang ako sa mga reaksiyon ni Irene. Hindi ako ang nauuna pero dahil kinausap na ako ni Mama Vicki, magpapakabait muna ako, alang-alang sa nalalapit na Pasko. Stop muna ako sa mga free publicity ko para sa nanay ni Hayden na confirmed regular reader ng PM at PSN.

Hindi na ako sasagot sa mga pang-iintriga ni Irene, tutulungan ko na lang si Hayden sa promo ng kanyang Hayden Perfume line na hindi ko pa rin naaamoy hanggang ngayon.

Super-promote na si Hayden ng kanyang pabango dahil umapir na siya sa Willing Willie at nagpainterbyu pa ng live sa The Buzz. Kasama kaya sa kanyang mga promo guesting ang Startalk o ipadadala na lang niya sa akin ang lahat ng scent ng Hayden Perfume na sosyal ang packaging dahil mala-Jo Malone ito.

Kung hindi pamilyar ang iba sa Jo Malone, isa ito sa mga pinakamahal na pabango na nag-originate sa United Kingdom. Obvious ba na Jo Malone ang name ng nag-imbento ng sosyal na pabango? Marami sa mga artista ang user ng Jo Malone gaya nina Lucy Torres-Gomez, Joey de Leon, Kris Aquino at marami pang iba.

Type ko talaga na maamoy ang Hayden Perfume dahil naiintriga ako sa mga naririnig ko na maikukumpara sa Jo Malone ang pabango ni Hayden. Saka ko na lang ikukuwento sa inyo ang epekto sa akin ng Hayden Perfume kapag nalanghap ko na ito.

Identity ng aktres parang wala lang

Ang dami-daming nagtatanong sa akin ng identity ng aktres na buntis at iniwanan ng dyowa pero nang sabihin ko ang name, parang wala lang ang kanilang reaksyon as in parang sila pa ang nanghinayang dahil nag-aksaya sila ng oras na magtanong.

Mula ngayon, hindi ko na sasabihin ang name ng mga subject ng aking blind item. Basta ang importante, true at hindi kathang-isip ang mga blind item ko.

Kris inaagawan ng space ni mislang

Parang artista na rin si Maria Carmen Mislang na naging instant star dahil sa kanyang mga Tweet.The who si Carmen? Siya ang speech writer ni      P-Noy na nag-Tweet na walang pogi sa Vietnam at wine sucks sa isang piging sa Vietnam na kanilang pinuntahan.

Ilang araw ko nang nababasa sa mga diyaryo ang name ni Mislang. ‘Yun nga lang, puro nega ang opinyon sa kanya ng madlang-bayan. Naalaala ko tuloy ang siney ng isang sikat na pulitiko na parang nasa OJT o on-the-job training ang mga tauhan ni P-Noy dahil sa kanilang mga pinaggagagawa. Ikatutuwa kaya ni Kris ang pakikipag-agawan ni Mislang ng space sa Aquino siblings? 

vuukle comment

AKO

DAHIL

HAYDEN

HAYDEN KHO

HAYDEN PERFUME

IRENE KHO

JO MALONE

KRIS AQUINO

LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with