^

PSN Showbiz

Pagbabalik nina Noli at Korina may ilang kontra

-

MANILA, Philippines - Tuloy na ang pababalik sa TV Patrol nina dating bise presidente Noli De Castro at Korina Sanchez simula sa Lunes, Nobyembre 8.

Makakasama na uli nila si Ted Failon sa flagship newscast ng ABS-CBN na 23 taon na pala sa ere.

“Ang powerhouse team na ito na kinabibilangan ng mga batikan at beteranong mamamahayag sa bansa ang maghahatid ng mga balitang may saysay sa bawat Pilipino saan man sa mundo bilang pagpapatibay sa serbisyo publiko ng ABS-CBN, ang mas pinagkakatiwalaang network ayon sa pag-aaral ng Pulse Asia.

“Si Failon ang tinaguriang Sandigan ng Bayan, dahil sa kanyang pagtutok sa mga maiinit na isyu mula simula hanggang solusyon sa kanyang 27 taon sa industriya.

“Si Sanchez, na dati nang anchor ng TV Patrol, ay ang matapang at matalinong Kakampi ng bayan dahil sa kanyang walang takot na paghihimay sa mga isyu sa lipunan simula pa 1986 sa ABS-CBN.

“Si De Castro naman ang natatanging Kabayan ng Pilipino, na dala ngayon ang mas malawak na kaalaman mula sa kanyang karanasan sa gobyerno. Nagsimulang gumawa ng pangalan sa radyo noong panahon ng Martial Law, si Kabayan ang orihinal na anchor ng TV Patrol at ng investigative program na Magandang Gabi, Bayan,” ayon sa ipinadalang statement ng ABS-CBN kahapon.

Patuloy na namamayagpag ang TV Patrol sa national TV ratings at na­nguna ito sa lahat ng newscasts noong September - tinalo ang kalabang 24 Oras ng GMA 7, ayon sa Kantar Media

 Sa pag-take over nina Noli at Korina sa TV Patrol, sa Bandila naman mapapanood sina Julius Babao at Karen Davila kasama si Ces Drilon.

Bale si Henry Omaga-Diaz lang ang mawawalan ng trabaho na dating kasama sa Bandila.

Ang Bandila ang iniwang programa ni Korina bago siya nag-leave para ikampanya ang kanyang asawang si Sen. Mar Roxas last election.

Matagal nang issue ang pagbabalik ng dalawa sa TV Patrol lalo na ang dating bise presidente. Nang mag-decide daw itong hindi na pumasok sa pulitika ay agad nitong plinano na bumalik sa pinanggalingang channel na naging rason para magwagi siyang senador hanggang maging bise presidente ng bansa.

 At kung maraming natutuwa, marami ring negative reactions sa naging desis­yon ng Kapamilya Network.

Bakit daw kailangang galawin pa ang programa samantalang mataas naman ang rating nito?

Baka raw makaapekto pa ito sa programa.

Si Kabayang Noli daw, naramdamang mahina ang kandidatura kaya naisipan nang talikuran ang pulitika at siyempre, si Korina sinasabi nilang hindi naman nito naipanalo ang asawa.

Well, malay naman natin. Baka mas lalong umarangkada ang rating nila sa pagpasok ng dalawa sa TV Patrol.

Malalaman natin sa Lunes.

* * *

Mabait din si John Lloyd Cruz. Imagine, pumayag siyang si Toni Gonzaga lang ang nasa title ng pelikula nila together - My Amnesia Girl. Though, siya ang siguradong magda-dialogue noon sa pelikula, still, parang pelikula lang ni Toni ‘yun.

Parang kulang din sila sa chemistry.

Walang masyadong kilig factor base sa trailer na napapanood ko ha.

Tapos pareho pa silang may karelasyon kaya parang walang kilig ang mararamdaman kahit pa naghalikan sila sa screen.

Pero tingnan din natin pag ipinalabas na ang pelikula.

ANG BANDILA

BANDILA

BAYAN

HENRY OMAGA-DIAZ

JOHN LLOYD CRUZ

JULIUS BABAO

KABAYAN

KANTAR MEDIA

KORINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with