^

PSN Showbiz

Cancer at iba pang kinatatakutang sakit sa Life and Style

-

MANILA, Philippines - Noong dati’y kinatatakutan ang sakit na cancer pero sa makabagong panahong tulad ngayo’y sinasabi ng mga espesyalista na nalulunasan na ito basta’t sa early stage ay agad na natutuklasan.

Sa Linggo sa Life and Style with Gandang Ricky Reyes, panauhin si Dr. David Dy na tatalakay sa breast cancer at iba pang kinatatakutang sakit.

 Ipapaliwanag naman ni Mr. Dan Teoh kung paano nagagawang tuklasin ng makabagong medical equipment kung ang sakit ng isang tao’y minana sa genes ng mga magulang o acquired.

Iinterbyuhin ng host-producer na si Mader Ricky si Iza Calzado tungkol sa kanyang breast cancer advocacy at si Mr. Danny Meneses ng Philippine Breast Cancer Network na magbibigay ng payo tungkol sa mga herbal supplements na diumano’y nakakapagpagaling ng iba’t ibang sakit.

Tutok lang dahil ang mga cancer survivor na taga-showbiz na sina Maritoni Fernandez at Bibeth Orteza at isang maybahay na si Lany Cruz ay magsasalita kung paano silang ‘di nawalan ng pag-asa habang may cancer hanggang sa tuluyan na silang gumaling. 

Nakaka-touch ang mga kuwento nila tungkol sa pag-aalaga sa kanila ng kani-kanilang asawa at mga mahal sa buhay.

Babalik ngayong Linggo si Regine Tolentino na may dalang bagong sayaw na tiyak na makakasunog ng mga taba sa katawan para magkaroon kayo ng seksing figure.

Ang LSWGRR ay umeere sa QTV-11.

BIBETH ORTEZA

DAN TEOH

DANNY MENESE

DAVID DY

GANDANG RICKY REYES

IZA CALZADO

LANY CRUZ

LEFT

LIFE AND STYLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with