^

PSN Showbiz

Enchong at Erich parating holding hands

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nasa ABS-CBN kami minsan at nakita naming magka-holding hands na naglalakad sa hallway ng network sina Enchong Dee at Erich Gonzales.

Hanggang sa pagbeso sa nakita nilang popular TV and movie personality ay magka-holding hands pa rin ang dalawa.

Nagbitiw lang ng holding hands ang dalawa nang makitang may ilang press people na pagala-gala sa hallway, pero huli na dahil nakita na sila. Hindi na rin sila inusisa ng press kung para saan ang holding hands at baka sabihing inalalayan lang ni Enchong si Erich, eh, walang rason dahil malinis ang hallway.

In fairness, Erich and Enchong make a lovely pair at bagay sila. Sana hindi sila tumulad sa ibang showbiz couple na kitang-kita na ang ebidensiya’y nagde-deny pa rin.

* * *

Naalala ko ang interview namin kay Karen delos Reyes after niyang ma-vote out sa Survivor Philippines : Celebrity Showdown nang mapanood siya sa Showbiz Central at itinanggi ang relasyon nila ni Pepe Smith (hindi ang rakistang may edad na).

Sa nasabing interview, nabanggit ni Karen na one year na siyang walang dyowa at ang last BF niya ay isang Fil-Am DJ na sikat sa mga mahilig sa club at party. Medyo nagtagal ang relasyon nila, pero sa huli, hindi umubra ang long-distance relationship. Hindi raw makapaniwala ang friends niya na magiging dyowa ang internationally known DJ dahil magkaiba ang personality nila.

Kaya lang, sa pagba-blush ni Pepe nang tanungin tungkol sa kanila ni Karen, parang gusto naming maniwalang they’re more than friends.

* * *

Gulat na gulat ang ama ng isang baguhang aktres nang malaman sa kaibigang reporter na dinalaw nito sa isang malayong probinsya ang nobyong actor.

Hindi kasi nagpaalam sa ama ang young actress at basta na lang lumarga sa probinsiya, pero umuwi rin naman sa oras na dapat nasa bahay siya kaya hindi nalaman ng ama ang ginawa.

Kaya naintindihan ng press kung bakit super deny ang baguhang aktres sa pagbisita sa BF sa probinsiya dahil hindi alam ng ama. Sabi naman ng ama, hindi siya magagalit kung nagpaalam ng maayos ang anak dahil pabor siya sa relasyon nito at sa aktor.

Paano nga naman kung nadisgrasya ang anak papunta ng probinsiya o pauwi ng Manila, hindi niya alam ang gagawin.

Natuto naman ang newcomer at nag-promise na ipaaalam na sa ama ang mga lakad na hindi kasama sa kanyang trabaho. 

* * *

Personal: Nakikiramay kami sa pagpanaw ng ama ni Popoy Caritativo na si Godofredo Caritativo noong November 2. Inuwi nina Popoy sa Tarlac City ang labi ng ama at nakalagak sa Enriquez Funeral Parlor, Tañedo St., San Nicolas, Tarlac City.

Hindi pa alam kung kailan ililibing ang ama ni Popoy dahil hinihintay pa ang pagdating ng kapatid mula sa Amerika.

Nakikiramay din kami sa mga naulila ng PMPC member na si Robert Pangis na pumanaw noong October 31.

AMA

CELEBRITY SHOWDOWN

ENCHONG DEE

ENRIQUEZ FUNERAL PARLOR

ERICH AND ENCHONG

ERICH GONZALES

GODOFREDO CARITATIVO

KAYA

TARLAC CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with