Gimik lang, aktor-aktoran na nagladlad ng kabadingan walang epekto
Walang effect ang pag-amin ni Jimboy Salazar na Jimgirl na siya dahil matagal nang pinagdududahan ang kanyang gender.
Sa totoo lang, pinagbibintangan nga si Jimboy na gumigimik para i-revive ang kanyang matagal nang natutulog na career. Hindi shocking ang drama ni Jimboy dahil never niyang mapapantayan ang ginawa ni Rustom Padilla a.k.a BB Gandanghari.
In fairness kay Rustom, news talaga ang kanyang paglaladlad dahil naging big star siya noon, nagkaroon ng asawa at naging action star pa. Eh si Jimboy? Wah!
Si Mahal lang ang naging claim to fame ni Jimboy dahil sa kanilang kiyeme-kiyemeng love affair na hindi pinaniwalaan ng madlang-bayan.
Walang masyadong news ngayon sa showbiz kaya pati ang mga cheap na isyu, pinapatulan ng mga columnist at kabilang ako sa mga guilty!
Mo parating jackpot sa babae
Nakunan ng video sina Mo Twister at Rhian Ramos na magka-holding hands habang rumarampa sila sa Eastwood noong Lunes.
Cellphone camera ang ginamit at may connect sa showbiz ang naka-caught in the act kina Rhian at Mo. Nagiging open na ang dalawa sa kanilang relasyon dahil wala silang dapat itago. Binata si Mo at dalaga si Rhian. Hindi naman kasalanan kung na-in love sila sa isa’t isa ‘no!
Bilib ako kay Mo dahil may time pa siya na ipasyal si Rhian. Napapanood si Mo sa TV mula Lunes hanggang Linggo. Tatlo ang kanyang regular TV show, may radio program pa siya at may oras para kay Rhian. Time management ang tawag diyan.
Small but terrible si Mo. Kinaiinggitan siya ng mga lalake dahil magaganda ang lahat ng kanyang mga nakakarelasyon mula kay Bunny Paras, Janette McBride at si Rhian Ramos.
Weakness ni Mo ang mga mestiza dahil mga mapuputi, bata at promising ang mga career ng kanyang mga nagiging girlfriend. Teka, ex din nga pala ni Mo si Kristine Hermosa.
Bongga talaga ang taste niya sa mga kababaihan!
Pia hindi pa ready na ipakilala ang ipinalit kay Francis
Hindi news sa marami ang balita na may bagong boyfriend si Pia Magalona dahil noon pa nila naririnig na may bago siyang inspirasyon, matapos sumakabilang-buhay ni Francis Magalona.
Karapatan ni Pia na lumigaya at mukhang may blessing ng kanyang mga anak ang desisyon niya na muling magmahal.
Let’s wish her the best at hintayin na lang natin kung ready na ang biyuda ni Francis na ipakilala sa publiko ang mhin na nagpapatibok ng kanyang puso.
- Latest