^

PSN Showbiz

Kakamping senador ng mga beterano ikinampanya ni Pacman

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Harry Reid ang name ng re-electionist US Senator na ipinangampanya ni Congressman Manny Pacquiao sa Las Vegas noong Biyernes.

Sa gitna ng kanyang busy training para sa laban nila ni Antonio Margarito sa November 13, nagpunta si Manny sa Las Vegas at pormal na ini-endorso ang kandidatura ng senador na kakampi ng mga Filipino World War ll veterans.

Si Senator Reid ang Senate Majority Floor Leader ng US Senate at siya ang nag-declare sa buwan ng Oktubre bilang Filipino-American History month.

Matapos suportahan ang kandidatura ni Reid, nakipagkita si Manny noong Linggo kay Laila Ali, ang anak ng boxing legend na si Muhammad Ali. Professional boxer din si Laila, gaya ng kanyang ama at ni Manny.

Video ni Czarina, ang panget!

May panawagan sa Bb. Pilipinas Charities Inc. ang regular PSN reader na si Teacher Mirasol De Guzman.

May kinalaman ang panawagan ni Teacher Mirasol sa muling pagka-itsa-puwera ng representative ng ating bansa sa katatapos lang na Miss World pageant. Read ninyo ang e-mail ni Teacher Mirasol:

“Hindi ko alam kung paano magpapadala ng e-mail sa Bb. Pilipinas Charities Inc. kaya sa inyo ko na lang ipinadala ang panawagan ko.

“Sayang dahil Luz Valdez na naman tayo sa Miss World Beauty Pageant. Kung pinaganda lang sana ang Beauty With A Purpose entry video ni Miss Philippines Czarina Gatbonton, baka pumasok pa siya sa Top 25.

“Sayang talaga. Dapat, next time ipa-direct na lang kina Jeffrey Jeturian, Mark Reyes, Mac Alejandre, Joel Lamangan or Dante Mendoza ang entry video ng pambato ng Pilipinas para sa naturang segment ng Miss World.

 “Sa entry video kasi ni Miss Philippines, mga picture pa niya ang itinampok at hindi ang mga mahihirap na batang nag-aaral. May- I- suggest na kung ako ang gagawa ng Beauty With A Purpose Video na ‘yon, palalakarin ko si Czarina sa Recto at Avenida ng madaling araw at kunan niya ng video ang mga homeless family na natutulog sa kalsada.

“Mas okey din kung nakasuot siya ng gown, may crown with scepter at kunwari, ikukumpas niya ‘yon sa mga batang natutulog with voice-over na kung siya ang magiging Miss World, tutulungan niya ang Miss World Foundation na malutas ang problema sa poverty para wala nang mga homeless people.”

May sense ang suggestion ng reader pero pang-next year na ang kanyang panukala dahil patapos na ang season ng mga international beauty pageant.

Si Krista Kleiner ang huling Pilipina na lalaban sa beauty contest at ito ay sa Miss International.

Matindi ang pressure kay Krista dahil Luz Valdez nga si Czarina Gatbonton sa Miss World.

Kailangang itayo ni Krista ang bandila ng Pilipinas tulad ng pag-iingay na ginawa ni Venus Raj nang mag-join ito sa Miss Universe contest.

All saints day inulan!

Kumbaga sa isang pelikula na ipinalabas kahapon sa mga sinehan, flop ang All Saints Day dahil sa malakas na buhos ng ulan.

Marami ang hindi nakapunta sa mga sementeryo at memorial parks dahil maliban sa malakas na buhos ng ulan, bumaha rin. Tinamad ang mga tao na lumabas ng bahay kaya nagtirik na lang sila ng mga kandila sa loob ng kanilang bahay at nag-alay ng prayers para sa mga namayapang kamag-anak.

Dagdag na dasal kay Direk Rory

Prayers para sa direktor na si Rory Quintos ang request ng mga nagmamahal sa kanya. Kumalat noong Linggo ang text message na naka-confine si Rory sa St. Luke’s Hospital, Quezon City dahil sa dengue.

Sumasailalim si Rory sa blood transfusion at welcome na mag-donate ng Type O+ blood ang may mga mabubuting kalooban.

ALL SAINTS DAY

ANTONIO MARGARITO

BEAUTY WITH A PURPOSE

LAS VEGAS

LUZ VALDEZ

MISS

MISS WORLD

PILIPINAS CHARITIES INC

TEACHER MIRASOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with