^

PSN Showbiz

Vhong Navarro at Yeng Constantino naging modelo

-

MANILA, Philippines - Sina Vhong Navarro at Yeng Constantino ang mga bagong mukha ng clothing and lifestyle brand na RRJ.

Tuwang-tuwa naman ang dalawang Kapamilya stars na naging modelo sila ng mga damit na in na in sa mga kabataan ngayon. Bagay pa sila sa ad campaign na may slogan na He Moves, She Rocks. Si Vhong nga naman ay nakilala sa kanyang mga dance moves at si Yeng bilang magaling na singer —perfect pair sila para sa RRJ.

Bago naging top comedian, isang talented dancer si Vhong na miyembro ng sikat noong Streetboys at ngayon ay panay pa rin ang pagsasayaw sa ASAP XV. Busy din siya sa regular hosting sa Showtime.

Ang pop rock princess na si Yeng ay may tatlo ng albums at 17 singles, ang pinakabago ay Lapit at Jeepney Love Story. Ang singer-composer na mula sa Pinoy Dream Academy ay host na ngayon sa Music Uplate Live. 

Pero ang mga katangiang iyan ay hindi lamang ang siyang dahilan kung bakit sila napiling modelo ng clothing line. Ayon sa representative ng RRJ, “We believe that Vhong and Yeng already made their mark in the industry. They both excel in their respective fields like RRJ that sets apart from other brands. We can’t think of any other celebrity endorsers that best fit RRJ but them. The two also caters to our target market.”  

Nagsimula noong 1975, ipinagmamalaki ng kumpanya na may 300 stores na sila sa mga mall boutiques at leading department stores sa buong bansa. Sa kanilang tagline na “Live your style,” patuloy na nagdidisenyo ng mga kasuotan ang RRJ na bagay sa kanilang target market— ang young urban consumer.

DREAM ACADEMY

HE MOVES

JEEPNEY LOVE STORY

MUSIC UPLATE LIVE

SHE ROCKS

SI VHONG

SINA VHONG NAVARRO

VHONG AND YENG

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with