Czarina zero sa Miss World!
Zero as in wala man lang naiuwi kahit anong award ang representative natin sa Miss World na si Czarina Catherine Gatbonton.
Mukhang hindi rin epektibo ang paggamit ng interpreter para mapansin siya. Hindi niya napantayan ang na-achieve ni Venus Raj sa 2010 Miss Universe.
Maraming nag-suggest na baka makatulong ang paggamit ng Tagalog para mas lalong mapansin ang mga contestants natin na kalimitan ay sa question and answer portion bumabagsak. Magdala na lang ng interpreter. Nakinig si Czarina at nag-press release na magta-Tagalog siya sa Q&A. Ito ay matapos hindi makalusot si Venus sa Miss Universe, fourth placer lang siya dahil umano sa Q&A.
At least vindicated ngayon si Venus. Hindi siya natalbugan ni Czarina kahit may bitbit na interpreter pa.
Katakut-takot na negative comments ang natanggap noon ni Venus. Hindi kumbinsido ang marami sa naging sagot niya. Sana raw ay nag-interpreter na lang siya.
Ngayon, ano kayang sasabihin ng mga kritiko?
Wait, ano bang channel ang nag-carry ng Miss World? Hinahanap namin para mapanood ang coronation night, sadly wala.
Anyway, here ang mga nanalo sa 2010 Miss World.
Miss World 2010: Miss USA Alexandria Mills
1st Runner-up: (Botswana, Emma Wareus
2nd Runner-up: (Venezuela, Adriana Vasini)
3rd Runner-up: (Ireland, Emma Britt)
4th Runner-up: (China, Xang Tiao)
5th Runner-up: (Norway, Mariann Birkedal)
6th Runner-up: (Italy, Giada Pezzaioli)
Top semi-finalists:
Bahamas, Braneka Bassett; Canada, Denise Garrido; Colombia, Laura Palacio; France, Virginie Dechenaud; French Polynesia, Mihilani Teixeira; Germany, Susanna KobylinskI; Kenya, Natasha Metto; Mongolia, Sarnai Amar; Namibia, Odile Gertze; Netherlands, Desiree van Den Berg; Northern Ireland, Lori Moore; Paraguay, Egni Eckert; Puerto Rico, Yara Lasanta; Russia, Irina Sharipova; Scotland, Nicola Mimnagh; South Africa, Nicole Flint; St. Lucia, Aiasha Gustave; Thailand, Yuwaret Sirirat Rueangsri.
Direktor tsinugi agad ni Willie Revillame
Grabe, tsinugi agad pala ni Willie Revillame ang director ng programa niyang Willing Willie! Yup, hindi raw nito nagustuhan ang trabaho ng dating tauhan ni Mr. Johnny Manahan kaya ayun, tsugi agad siya.
Ito raw ang ibinigay na tao ni Mr. Manahan kay Revillame dahil siya (Mr. Manahan) nga ang gusto nitong kunin para sa kanyang programa sa TV5 pero umiral ang loyalty ng magaling na director sa ABS-CBN kaya may ibinigay ito. Kaso ’di nga nagustuhan ng TV host.
Mismong ang TV host na raw ang nagdidirek ng kanyang programa ngayon na nakakaisang linggo pa lang sa ere ay hindi na gaanong pinag-uusapan. Hindi natinag ang rating ng TV Patrol at 24 Oras.
Nadiskubre na raw kasi ng marami na bayad naman pala ang mga pumipila sa nasabing programa. Yup, as in mismong insider ng programa ang nagbuking na may mga tinatawagan lang sila para kunwari ay dumagsa ang maraming tao.
Saka ang tanong nila, bakit hindi na lang daw gawing public service show ang programa kung ang misyon naman nila ay tumulong sa mga kapus-palad nating kababayan na kanilang pini-press release?
Hmmm, may punto.
Bakit nga ba? Baka ’pag ganun ang format, baka mas bomongga ang rating. Iisa rin kasi ang puna ng mga nanonood, hingal-kabayo ang TV host dahil nag-iisa siya sa programa.
Eh kung public service nga naman, hindi mahahalata ang pagod ng TV host ’di ba? Saka ’yun naman ang pinangangalandakan niya — gusto niyang tumulong sa mahihirap. So, tumulong na lang siya.
At ang pagtulong hindi na dapat ibinabandera.
- Latest