Richard ayaw magpaka-plastic kay Heart
TRUE : Sa Positano, Italy balak nina Ogie Alcasid at Regine Velasquez mag-honeymoon pagkatapos nilang magpakasal sa Dec. 22.
Talagang kinumbinse ni Ogie si Regine na sa Europe ang kanilang honeymoon dahil hindi pa sila nakakapunta roon na sila lang kaya gusto naman nitong maging memorable ang kanilang pulot-gata.
So far, halos plantsado na ang kanilang kasal at isa sa nag-ayos nito ay ang dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimereen.
TANONG : Masama nga ba ang loob ni Richard Gutierrez kay Heart Evangelista dahil sa ’di pag-renew ng management contract sa kanyang ina? Naapektuhan nga ba ang kanilang friendship dahil sa hidwaang iyon?
“Well, magpapaka-plastic ako kung sasabihin kong hindi. Hindi pa kami nagkikita ni Heart ngayon, pero once na magkita kami, I’ll probably ask her about it why. Because, confused ’yung buong pamilya namin,” sagot ni Richard.
TOTOO KAYANG sa eskuwelahan ng mga special children tini-treat ngayon ang anak ng isang celebrity couple?
Hindi pa sila handang pag-usapan ang kalagayan ng kanilang anak dahil maayos naman itong ipinapagamot at umaasang gumaling ito.
Mabagal nga ang growth ng kanilang anak at may mga nakikita ritong signs na isa itong special child. Ang isang napansin sa bata ay kulay pula lang ang nare-recognize nitong kulay, kaya regular nila itong pinapa-check up at pinapag-aral sa eskuwelahan ng mga special children.
TSIKA LANG : Sa susunod na linggo ay magkakaroon na ng miting sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez para sa pelikulang gagawin nila sa GMA at Viva Films.
Hindi pa muna mai-share ni Claudine kung anong klaseng pelikula ang pagsasamahan nila ni Mark Anthony dahil hindi pa napa-finalize. Pero excited na siya.
Samantala, pinaghahandaan muna ni Claudine ang guesting nito sa Bantatay. Siyempre, kailangan niyang suportahan ang top-rating show ng kanyang asawa.
- Latest