^

PSN Showbiz

Mark Anthony natutulog sa musoleo ni Daboy

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Binigyan na pala ni Lorna Tolentino ng sariling susi si Mark Anthony Fernandez para anytime na gusto nilang dalawin ang musoleo ng namayapang ama na si Rudy Fernandez ay makakapunta siya.

Tinanong nga namin ito kung bakit hindi siya nakikita kapag may pa-misa dun si LT. Sagot ni Mark ay gusto niyang makapagsolo at maging very private ang pagdalaw niya sa namayapang ama.

Gusto nga nito na matulog sa musoleo ng ama bukas, All Saints Day dahil may kuwarto naman doon. Madalas siyang nagdadala ng bulaklak at nagtitirik ng kandila para sa yumaong ama.

Sa kabilang banda, abala ito sa taping ng Little Star kung saan isang photographer ang karakter na ginampanan.

*    *    *

Naging matagumpay ang birthday celebration ni Annabelle Rama at fashion show ng kanyang mga alaga sa Royale Artists Management Inc.

Nagkaroon din ng variety show at karamihan sa mga alaga ni Annabelle ay maaasahan sa pagkanta gaya nina Danita Paner, TJ Trinidad, Miriam Quiambao, Arci Muñoz, Carla Humphries, at iba pa.

Hindi rin nagpatalbog ang dalawang anak ni Ruffa Gutierrez na sina Lorin at Venice. May nagsabi  aaasahan pa silang umawit kaysa sa kanilang mommy.

Umani ng malakas na palakpakan ang pag­rampa ng pamilya ni Annabelle na sina Richard, Raymond, Ruffa, Elvis, Rocky, Ritchie Paul at siyempre ang padre de pamilya na si Eddie.

*    *    *

Hindi lang masuwerte sa kanyang career si Angel Locsin kundi gayundin sa negosyo. Ang kanyang Fuel-Up bar sa pamamahala ng kapatid na si Ela Colmenares ay dinarayo ngayon ng maraming customer dahil bukod sa magagaling na banda ay may iba’t iba silang pakulo. Nagkaroon ng Halloween Party at dumalo ang mga parukyano sa iba’t ibang Halloween costumes. 

PERSONAL:                   

Salamat sa mga tumulong sa Movie Writers Welfare Foundation (MWWF) lalo kay Kuya Daniel Razon na nagpadala ng medical and dental doctors, sa tulong ni Connie Reyes, Angel Locsin, Wilson Tieng at iba pa. Layunin ng Foundation na makatulong sa mga kapatid sa hanapbuhay na may karamdaman.

ALL SAINTS DAY

ANGEL LOCSIN

ANNABELLE

ANNABELLE RAMA

ARCI MU

CARLA HUMPHRIES

CONNIE REYES

DANITA PANER

ELA COLMENARES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with