^

PSN Showbiz

Project ni Heart sa Kapuso hindi muna itutuloy!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

May kinalaman kaya ang conflict nina Heart E­van­­gelista at manager niyang si Annabelle Rama sa desisyon ng GMA 7 na iurong for next year ang airing ng pagbibidahan niyang Dwarfina? 

Ang Dwarfina sana ang papalit sa Ilumina at nakapag-storycon na at alam na ng buong cast ang kani-kanilang role. Inaayos na rin ang taping schedule at natsika sa amin na location at costume na lang ng mga gaganap na duwende ang hinihintay.

Excited na ang lahat pati si direk Mike Tuviera na director ng fantaserye, hanggang ma­tanggap namin ang advisory from GMA 7 na­ ­next year na ang airing ng Dwarfina. So, walang gagawin si Heart kundi ang Party Pili­pinas. Sayang at tinanggihan niya ang isang movie project na pang-Metro Manila Film Festival.

Primetime series na pagbibidahan ni Jillian Ward ang napagdesisyunan ng GMA 7 na ipalit sa Ilumina at before the year ends daw ito eere. Iba ang primetime soap sa unang nabalitang afternoon soap na gagawin ng childstar at may title na Batang Milyonaryo.

Christmas offering daw ito ng network to be directed by Mark Reyes, pero ayaw pang ipaalam ang title. 

Posible kayang maalis si Jillian sa Captain Barbell dahil sa bago niyang primetime soap na tiyak aabot next year ang airing, eh, sisimulan na yata ni Richard Gutierrez ang Captain Barbell dahil hanggang December 3 na lang ang Survivor Philippines: Celebrity Showdown. 

Ang pagpapalit kaya ng project ang rason kung bakit may naririnig kaming extended up to December ang Ilumina? 

*    *    *

Sana hindi masamain ni Dingdong Dantes at ng fans nito ang sinabi ni Sam Pinto na hindi sila dapat maintriga ng actor dahil ni hindi niya ito crush. “No feelings at all” ang ginamit na words ng dalaga na parang masakit pakinggan.

Ikinumpara nito ang intriga sa kanya noon kay Gerald Anderson, kung saan nagalit sa kanya ang Kimerald fans dahil inaming crush niya nito, sa kaso ni Dingdong, wala raw dapat ikagalit ang fans nito at ni Marian Rivera dahil ‘yun nga, wala siyang crush kay Dingdong.

In fairness sa DongYan fans, walang narinig na reaction si Sam at wala siyang nabalitaang galit sa kanya. Hindi rin nakonek ng fans na parehong si Claire dela Fuente ang manager nina Sam at Bela Padilla at involved pareho sina Marian at Dingdong sa intriga sa mga alaga nito.

Ayaw pang kumpirmahin ni Sam kung kasama siya sa Captain Barbell, kaya ang Ilumina at Bubble Gang lang ang ipino-promote. Okey lang daw sa kanyang makilalang sexy comedienne dahil komportable siya sa comedy at drama. Kaya lang, hindi kaya mag-react si Rufa Mae Quinto dahil title niya ang Sexy Comedienne. ‘no!

vuukle comment

ANG DWARFINA

ANNABELLE RAMA

BATANG MILYONARYO

BELA PADILLA

BUBBLE GANG

CAPTAIN BARBELL

CELEBRITY SHOWDOWN

DAHIL

ILUMINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with