'Virginity' ni Empress si John Lloyd ang unang gustong patikimin
Kapag nauwi sa relasyon ang pagdi-date nina Mark Bautista at Jef Gaitan ng Viva Artist Agency (VVA), hindi lalabas na love on the rebound sa parte ng ex-Survivor Philippines 2 castaway dahil April pa sila break ni Marvin Kiefer ng SP2 pa rin at nakarelasyon niya for seven months.
Good guy at mabait si Mark at nasa “getting to know” stage sila. Hindi sinagot ni Jef kung BF material si Mark dahil ’di niya alam kung manliligaw ito sa kanya. Kundi kami nagkakamali, ngayon lang uli may nali-link kay Mark at kasama sa mga lakad nila ni Jef ay ang pagsisimba sa Victory Church sa The Fort.
Four years ang kontrata ni Jef sa VAA at naka-two years na siya at willing pa rin siyang maghintay sa big break na ipinangako ng VAA.
* * *
Pinagsama ang Kapamilyang si Empress at Kapusong si Jennica Garcia na maging endorser ng Sketches by Natasha Beauty at parehong masaya ang dalawa sa chance na magtrabahong magkasama via product endorsement.
Eighteen na si Empress next year, pero hindi ibig sabihin ay magiging daring na siya at puwede na sa sexy roles. Kung magkakaroon ng kissing scene, si John Lloyd Cruz ang gusto ni Empress na unang makatikim sa kanyang virgin lips. Are you reading this Shaina Magdayao?
* * *
Nakakita ng paraan ang isang aktor kung paano makagaganti sa reporter na paminsan-minsan ay tumitira sa kanya sa pamamagitan nang pag-a-unfollow sa Twitter account ng reporter. Nagulat at natawa na lang ang reporter nang i-unfollow siya ng actor, pero hindi magiging rason ‘yun para itigil niya ang pagpuna rito ’pag may kilos na hindi maganda.
Tiyak ng reporter na alam ng aktor na pina-follow niya ito dati dahil nag-uusap pa sila sa Twitter. Pero nang may masulat siya tungkol sa aktor na hindi naman paninira, bigla siyang na-unfollow at ayaw na rin siyang i-follow ng reporter kahit binati at kinausap siya ng aktor nang magkita sila sa isang showbiz event.
* * *
This Friday na ang libing ng ama ni Mr. Fu na si Mr. Reynaldo Espiritu sa Manila Memorial Park Parañaque. Namatay sa stroke ang ama ni Mr. Fu sa Saudi Arabia at nang iuwi ang labi nito, si Mr. Fu ang nag-asikaso ng lahat mula sa burol hanggang sa libing.
Ilang araw absent sa radio si Mr. Fu, pero umiral pa rin ang pagiging professional dahil sumipot siya sa taping ng Wow Meganon at magho-host na ng P.O.5 na parehong TV5 sa tuwing Linggo.
- Latest