^

PSN Showbiz

Mga balita hinahalukay na!

-

MANILA, Philippines - Sa likod ng bawat balita, may mga ku­wen­tong hindi pa nakikita ng mamama­yan, mga piraso ng impor­mas­yon na bubuo sa katotohanan.

Kagabi, pinasok ng mga matapang at ma­sugid na tagapag-ulat ng ABS-CBN sa programang Pat­rol ng Pilipino ang buong istorya sa mga bali­tang may say­say sa bawat Pilipino.

Ang Patrol ng Pilipino (PNP) ay isang week­ly 45-min­ute news documentary prog­ram na mag­bibigay ng mas malalim na pag-uulat sa mga bali­tang nilahad sa Umagang Kay Ganda, TV Patrol at Bandila.

 “With each assignment, reporters see a side of news that the public seldom sees. Patrol ng Pili­pino, will give the viewers what they need, a full and uncut view of the truth behind the most im­portant news sto­ries,” ABS-CBN Head for Current Affairs Lester Chavez said.

Bawat Martes, babalikan ng may dalawa o tat­long ABS-CBN reporter ang mga makabuluhang ulat tampok ang mga kuha at panayam na hindi pa naeere, mga behind-the-scene clip ng reporter sa kaniyang pa­­ngangalap ng impormasyon at mga bagong ang­gulo sa isyu.

Sa episode nito noong Martes, ibinahagi ni Jorge Ca­riño ang mga eksena sa kaniyang pag­mamatyag sa hagupit ni Bag­yong Juan sa Caga­yan. Silipin kung paano sinalanta ang pro­binsiya at kung paano sinu­bu­kang isalba ng mga residente at aw­toridad ang ka­ni­lang buhay at kabuhayan.

“Combine every detail—big and small—in a report, and you will get the truth. That’s what ‘Patrol Ng Pili­pi­no’ will do. We will show you the faces, the lives, be­­hind the statistics. This way the bits of in­­for­mation come together to show the reality of our lives,” ani Pa­t­rol ng Pilipino’ executive producer Nadia Trinidad.

ANG PATROL

BAWAT MARTES

CURRENT AFFAIRS LESTER CHAVEZ

JORGE CA

NADIA TRINIDAD

PATROL NG PILI

PILIPINO

SHY

UMAGANG KAY GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with