^

PSN Showbiz

Tiket sa concert ni David Foster pinanghinayangan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Ang suwerte mo naman Mama Salve dahil napa­nood mo ang concert ni David Foster and his Friends. Alam mo ba na type ko sanang panoorin ang kanilang concert dahil gusto kong makita na mag-perform si Cha­rice pero walang nagbigay sa akin ng compli­mentary ticket?

May mga kakilala ako na gusto ring mapanood ang David Foster and Friends at tulad ko, nanghinayang sila na bumili ng ticket kaya dinedma nila ang concert. Nanood na lang sila ng Willing Willie sa kanilang TV set!

Lumipad agad sa Bangkok, Thailand sina David Foster, Charice, at ang mga kasama nila sa concert dahil ngayong gabi ang show nila sa Impact Arena.

Pamilyar sa mga Pilipino sa Thailand ang Impact Arena dahil dito ginanap ang Miss Universe noong 2005. Si Natalia Glebova ng Canada ang nag-win ng title at residente na siya ng Thailand dahil isang mayamang Thai ang kanyang napangasawa.

Paolo dedma kung buntis si Lian

“No comment” si Paolo Contis sa tsismis na buntis uli si Lian Paz sa kanilang pangalawang baby.

Sinadya ni Paolo na huwag sagutin ang question nang mag-guest sa Startalk ang cast ng Little Star noong Sabado.

Sasagutin niya ang isyu kung solo guest siya dahil sayang ang talent fee o honorarium. Matagal nang tsismis na buntis uli si Lian pero may mga nagsasabi na hindi totoo ang isyu dahil seksing-seksi ang dating EB Babes member nang ma-sight nila sa isang event.

Bago ko makalimutan, ngayon ang first airing day sa GMA 7 ng Little Star at mapapanood ito pag­katapos ng Yaman ni Lola.

Alfred sobrang saya sa dyowa

Kahapon ang happiest birthday ni Alfred Vargas sa Italy dahil ipinagdiwang niya ang kaarawan sa piling ng kanyang girlfriend na si Yasmine at ng pamilya nito.

Feel na feel ko ang happiness ni Alfred sa text mes­­sage na ipinadala niya. Happy ako para kay Alfred dahil natagpuan niya ang babae na kanyang gustong makasama, forever and ever.

In love na in love si Alfred kay Yasmine dahil sa lahat ng kanyang mga nakarelasyon, ang girlfriend ang sinundan niya ng maraming beses sa Italy. Never niyang ginawa ’yon sa ibang girl na na-link sa kanya. Very memorable ang birthday kahapon ni Alfred!

Annabelle nasira ang pakikipagkaibigan sa ama ni Heart

Hindi pa tapos ang pag-i-emote ni An­nabelle Rama sa kanyang Twitter ac­count tungkol sa problema nila ni Heart Evange­lista.

Sinabi ni Bisaya na sayang ang friendship nila ni Rey na nagsimula pa noong 1970. The who si Rey? Siya ang ama ni Heart.

Ang say ni Bisaya, nasira ang friendship nila ni Rey dahil sa asawa nito na si Cecil. Pera ang dahilan ng pagka­kasira nina Annabelle at Cecil dahil hindi ito pumayag na i-renew ni Heart ang kontrata kay Annabelle bilang manager. Nang­hinayang daw si Cecil sa 15% commission na ibibigay sa kanya.

Enjoy na enjoy sa Twitter si Annabelle dahil nasasagot nito agad ang mga isyu tungkol sa kanya at sa mga alaga niya.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

ANNABELLE

BISAYA

DAHIL

DAVID FOSTER

DAVID FOSTER AND FRIENDS

IMPACT ARENA

LITTLE STAR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with