^

PSN Showbiz

Cesca itsa-puwera na nga sa buhay ni Jericho

-

MANILA, Philippines –  Ibinuku-buko ng pamangkin niya si Jericho Rosales. Walang kagatul-gatol na nagkuwento si John Manalo na hindi na kasama ng kanyang tito at ng pamilya nila si Cesca Litton nang mag-birthday ang aktor niyang tito kamakailan lang.

Say ng bagets na kasama sa Mara Clara na magsisimulang ipalabas bukas, October 25, hindi na nila kasama ang TV personality.

Ibig sabihin, ayaw man nilang umamin, wala na talaga ang dalawa.

Isang beses lang daw niyang nakita si Cesca sa bahay ng tito niya nang minsang mag-swimming siya. Nagandahan daw siya.

Matagal nang issue na split na nga ang dalawa wala nga lang ibang gustong magkumpirma. Buti na lang at hindi pa showbiz ang pamangkin ni Jericho. Hindi pa marunong magsinungaling.

Bata pa kasi. Hintayin nating magka-edad edad pa siya ng konti at sigurado, hindi na ‘yan basta-basta magkukuwento.

Anyway, ipinalabas noong August 17, 1992 hanggang February 14, 1997 ang Mara Clara at ngayon nga ay ipalalabas uli.

*    *    *

Hindi pinalampas ni Annabelle Rama ang sagot ng nanay ni Heart Evangelista sa nauna niyang sinabi na wala silang utang na loob. Kahapon sinagot niya ito sa kanyang twitter account.

“I jus read d statement ng nanay ng trying hard(?) young actress. Sabi nya since nag-start ang anak nya sa showbiz sya na raw ang manager. Kaya pala di sumikat 3yrs pakalat-kalat sa greenbelt, walang kumukuha as in patay na ang career, sinusuka na sa ABS. Pinagyayabang pa na di Na sila mag-renew ng contract sa akin, sino ang tinakot nila? Day, baka di mo alam, stars come n go, pero kaming mga manager, nakatayo pa Rin at nakataas ang noo. Alam kong ginamit lang ako, mga mukhang pera. Go girl, good luck!!! Hahahaha”

Siguradong iinit pa ang kuwentong ito.

Abangan natin.

*    *    *

Iisa ang reaction ng mga nakapanood sa bagong programa ni Willie Revillame sa TV5 kahapon : “Parang Wowowee.”

Wala raw pinagkaiba except sa mas maganda ‘yun dati.

Nahilo rin daw ang mga nanonood sa paikut-ikot na camera.

Masyado rin daw mahaba ang intro at parang nainip ang audience.

ABANGAN

ANNABELLE RAMA

CESCA LITTON

HEART EVANGELISTA

JERICHO ROSALES

JOHN MANALO

MARA CLARA

PARANG WOWOWEE

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with